17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

121

KABANATA 11

nangangasiwa sa mga paghuhugas, pagpapahid ng langis, endowment

at komunikasyon ng mga susi na may kinalaman sa

Pagkasaserdoteng Aaron. Gayundin sa mas mataas na orden ng

Pagkasaserdoteng Melquisedec, na itinatakda ang orden na may

kinalaman sa Matanda ng mga Araw, at sa lahat ng mga plano at

alituntunin na nagbibigay-daan upang makamit ng isang tao ang

mga pagpapalang iyon na inihanda para sa Simbahan ng

Panganay, at magbangon at mamuhay sa piling ni Elohim sa mga

walang hanggang daigdig.” (Teachings of the Prophet Joseph

Smith, p. 237.)

Idinagdag ni Pangulong Brigham Young, sa paglalatag ng panulok

na bato para sa Templo sa Salt Lake, ang paliwanag na ito

sa kahulugan ng endowment at ang layunin ng pagtatayo ng

templo na kaugnay nito:

“. . .Ang inyong endowment ay, tanggapin ang lahat ng ordenansa

sa bahay ng Panginoon, na kinakailangan ninyo, matapos

na lisanin ninyo ang buhay na ito, upang makabalik kayo muli sa

piling ng ama, na daraanan ang mga anghel na tumatayo bilang

mga bantay,. . . at tanggapin ang inyong walang hanggang kadakilaan

sa kabila ng lupa at impiyerno.” [Mga Turo ng mga

Pangulo ng Simbahan: Brigham Young, kabanata 41, talata 2, pahina

339.] 6

Paano tayo makapaglilingkod bilang “mga tagapagligtas

sa Bundok ng Sion” para doon sa mga namatay na?

Kung ang pagtanggap sa ebanghelyo ay napakahalaga sa kapakanan

ng walang hanggang kaluluwa ng tao, maaari ninyong itanong

kung ano ang mangyayari sa milyun-milyong nangamatay

na walang kaalaman ng ebanghelyo o ng plano ng Panginoon, na

siyang daan upang maisagawa ang kabuuang epekto ng kanyang

pagbabayad-sala. Kung ang gawaing misyonero ay limitado lamang

sa mortalidad, maraming kaluluwa ang mahahatulan nang

hindi nalilitis. Bawat isa, mabuti man o masama, dahil sa pagbabayad-sala,

ay mabubuhay na mag-uli, dahil, “Kung paanong kay

Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo

ang lahat ay bubuhayin.” (I Corinto 15:22.) Ngunit tanging ang

mga nagsisi at nabinyagan para sa kapatawaran ng kanilang mga

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!