17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

195

KABANATA 18

“Kinaumagahan ay nagbiyahe ako (simula pa lamang ng tagsibol)

sa gawing unahan ng City Creek Canyon na tinatawag noon

na Rotary Park; at doon, habang nag-iisa, inalay ko ang isa sa pinakamapagpakumbabang

dalangin sa aking buhay.

“Naroon ako, isang binata sa edad kong mga tatlumpu.

Limitado ang mga naging karanasan ko. Isinilang ako sa isang

maliit na bayan sa Idaho. Halos di pa ako nakalabas sa mga hangganan

ng estado ng Utah at Idaho. At ang ilagay ako sa isang posisyon

kung saan kailangan kong tulungan ang lahat ng

miyembro ng Simbahan, sa buong daigdig, ay isa sa kagulagulantang

na pagdidili-dili na di ko maubos maisip. Paano ko ito

magagawa sa limitado kong pang-unawa?

“Habang nakaluhod ako, ang samo ko’y, ‘Ano pong uri ng samahan

ang dapat itatag upang maisakatuparan ang iniatas ng

Panguluhan?’ At dumating sa akin nang maluwalhating umagang

iyon ang isa sa pinakamakalangit na pagkaunawa sa kapangyarihan

ng pagkasaserdote ng Diyos. Tila may nagsasabi sa aking,

‘Hindi kailangan ang bagong samahan upang matugunan ang

mga pangangailangan ng mga taong ito. Ang tanging kailangan

ay gamitin ang pagkasaserdote ng Diyos. Wala na kayong dapat

pang ihalili.’

“Sa pamamagitan ng pang-unawang iyon, samakatwid, at sa

simpleng paggamit sa kapangyarihan ng pagkasaserdote, mabilis

na naisulong ang programang pangkapakanan at nalampasan

ang mga hadlang na tila imposible noon. Hanggang sa ngayon

tumatayo itong bantayog sa kapangyarihan ng pagkasaserdote, at

ang katulad nito’y nakini-kinita ko lamang noong mga panahong

iyon na aking nabanggit.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Anu-ano ang pangunahing alituntunin sa gawaing

pangkapakanan ng Simbahan?

Sa ika-104 na Bahagi ng Doktrina at mga Tipan,. . . naipaliwanag

natin nang malinaw sa ilang salita ang Programang

Pangkapakanan batay sa aking nalalaman. Ngayon pakinggan

ang sabi ng Panginoon:

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!