17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

173

KABANATA 16

kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao. . . . Sa

lahat ng ating mga pagsisikap sa. . .programa ng pag-uugnayugnay

ay isaisip natin sa tuwina ang pagmamasid na ito. Sa madaling

salita, ang dalawa lamang nating layon sa pag-uugnay-ugnay

ay ang panatilihing kumikilos ang pagkasaserdote tulad ng

malinaw na pagkapaliwanag ng Panginoon, pati na ang angkop

na pagkakaugnay dito ng mga pantulong na samahan. At pangalawa,

gampanang mabuti ng mga magulang at ng pamilya ang kanilang

mga tungkulin tulad ng ipinag-utos ng Panginoon. Kaya

makikita natin na ang lahat ng ginagawa ay dapat gawin na taglay

sa isipan ang isang tanong: isinusulong ba ng gawain na ito

ang kaharian, nakatuon ba ang ating mata sa pangunahing layunin

ng samahan ng Panginoon—ang iligtas ang mga kaluluwa at

isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan

ng tao?” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano tumutulong ang Simbahan na “isakatuparan ang

kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao”?

Nasa atin ang simbahan upang ihanda tayo sa pagiging karapat-dapat

sa harapan ng Panginoon. Ano na nga ang sinabi ni

Apostol Pablo—pinagkalooban niya ang mga iba na maging

apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista—

ibig sabihin, itinayo ang Simbahan—para saan? “Sa ikasasakdal

ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan

ni Cristo: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya,

at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa

lubos na paglaki ng tao.” [Tingnan sa Efeso 4:11–13.] Alam ng

Panginoon na di tayo perpekto, at ibinigay niya sa atin ang

Simbahan upang tulungan tayong maging gayon. 2

Ang gawain ng Simbahan ay hindi lamang upang magtatag ng

samahang panlipunan o magkaroon ng iba pang layunin maliban

sa pagliligtas ng mga kaluluwa. 3

Ang layunin [ng Simbahan ay] gawing perpekto ang buhay ng

mga miyembro sa Simbahan. . . . Tuturuan [nito] ang mga miyembro

ng Simbahan hinggil sa mga doktrina at turo nito, upang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!