17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 6

ng katotohanan [o ang Espiritu Santo], ay dumating, ay papatnubayan

niya kayo sa lahat ng katotohanan; . . .kanyang ipapakita

sa inyo ang mga bagay na darating” (Juan 16:7, 13), “at

magpapaalala ng lahat ng bagay sa inyo. . . .” (Juan 14:26.) Sa gayon

nakikita natin ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang

Propetang si Joseph Smith ay nagsalita tungkol dito, “Walang

sinumang makatatanggap ng Espiritu Santo nang hindi tumatanggap

ng mga paghahayag. Ang Espiritu Santo ay tagapagpahayag.”

(Teachings of the Prophet Joseph Smith, p. 328.)

Maaari bang baguhin ko iyan. . .at sabihin, Sinumang Banal sa

mga Huling Araw na nabinyagan at napatungan ng mga kamay

ng mga taong nangangasiwa, na inutusang tanggapin ang

Espiritu Santo, at hindi nakatanggap ng paghahayag ng diwa ng

Espiritu Santo, ay hindi pa nakatatanggap ng kaloob na Espiritu

Santo na karapatan niyang mapasakanya. Dito nakasalalay ang

napakahalagang bagay. Hayaan ninyong tukuyin ko ang sinabi ni

Propetang Joseph Smith tungkol sa paghahayag:

“Maaaring ang isang tao ay makinabang sa pamamagitan ng

pagpansin sa unang pagpapadama ng espiritu ng paghahayag:

halimbawa, kapag naramdaman ninyo ang pagdaloy ng dalisay

na karunungan sa inyo maaari itong magbigay sa inyo ng biglang

pagdating ng mga ideya, kung kaya sa pagpansin ninyo rito, maaaring

makita ninyong natupad ito nang araw ding yaon o kaya’y

mayamaya; (hal.) ang mga bagay na inilahad sa isipan ninyo ng

Espiritu ng Diyos, ay mangyayari; at samaktuwid sa pamamagitan

ng pag-aaral ng Espiritu ng Diyos at pag-unawa rito, maaaring

umunlad kayo sa alituntunin ng paghahayag, hanggang sa maging

ganap kayo kay Jesucristo.” [History of the Church, 3:381.]

Sa anong mga dahilan kayo maaaring makatanggap ng paghahayag?

Nakakagulat bang marinig na kayong lahat na mga miyembro

ng Simbahan na nakatanggap ng Espiritu Santo—ay

maaaring makatanggap ng paghahayag? Hindi para sa pangulo

ng Simbahan, hindi upang malaman kung paano pangangasiwaan

ang mga gawain ukol sa purok, istaka, o misyon kung saan

kayo nakatira; subalit bawat indibiduwal ay may karapatang makatanggap

ng paghahayag ng Espiritu Santo para sa sarili niyang

kalagayan. ...

60

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!