17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

165

KABANATA 15

inapo ng mga pagkakataon upang maabot nila ang sukdulan ng

kanilang likas na potensiyal sa espirituwal at pisikal. 4

Ang mga ina ang lumilikha ng kapaligiran sa tahanan at malaki

ang nagagawa upang maging matatag ang pundasyon ng kanilang

mga anak, na magbibigay sa kanila ng lakas kapag nilisan na

nila ang impluwensiya ng kanilang mga tahanan. 5

Mga ina, mamalagi sa tahanan kung saan nagkikita-kita ang

mga miyembro ng pamilya. Minsan noon, dumalo ako sa komperensiya

ng istaka na idinadaos tuwing ikatlong buwan. . . . Ang

sabi ko sa pangulo ng istaka,. . . “May mga ina ba rito, iyong may

edad na, na malaki ang pamilya at nagkaroon ng kagalakan na

makita ang bawat isa sa kanyang pamilya na makasal sa templo?”

Tumingin siya sa madla at sabi niya, “May isa, si Sister (tatawagin

ko siyang Sister Jones), labing-isa ang miyembro ng kanyang

pamilya, at lahat sila’y nakasal na sa templo.”. . .

At habang nakatayo kami ng inang ito na puti na ang buhok sa

tabi ng mikropono, sinabi kong, “Maaari ba ninyong ibahagi ang

inyong karanasan, kung ano ang ginawa ninyo upang magawa

ang gayon?”

At sumagot siya,. . . “Dalawa siguro ang maimumungkahi ko.

Una sa lahat, habang lumalaki ang aming pamilya, lagi akong

nasa tahanan kapag dumarating at umaalis ang aking mga anak.

At pangalawa: anumang gawain ay sama-sama naming ginagawa

bilang pamilya. Sama-sama kaming naglalaro, sama-sama kaming

nananalangin, magkakasama kami sa lahat ng gawain. Wala na

akong ibang maisip.”

Sabi ko sa kanya, “Naibigay ninyo ngayon ang dalawang dakilang

pangaral.” 6

Panatilihin ang ina ng inyong tahanan sa “mga sangandaan” ng

tahanan. Malaki ang panganib ngayon na mawasak ang mga tahanan

dahil sa pagkabighani sa mga pang-aakit sa mga ina na huwag

na silang manatili sa tahanan habang parating at paalis sa

tahanan ang mga miyembro ng pamilya. Ngayon, alam kong kailangan

ng ilang ina na kumita ng salapi para sa kanilang pamilya.

Ngunit maging sa ganitong katayuan, dapat mag-ingat ang

mga pangulo ng Samahang Damayan at obispo upang di sila mabigo

sa pagtulong sa ina ng maliliit na bata at tulungan siya,

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!