17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 21

tian. . .: nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

at ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa.”

(Mga Taga Roma 5:3–4.) Dapat kayo ay “nahahandang

magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan.”

Dapat ay handa kayong makidalamhati sa mga nagdadalamhati

at aliwin ang mga nangangailangan ng aliw. (Mosias

18:8–9.) Kapag ang isang ina ay nagdadalamhati sa kalungkutan

para sa pagbabalik ng kanyang suwail na anak na babae, kayo sa

pamamagitan ng awa ay dapat bawalan ang sinuman na maghanap

ng kamalian. . . . Ang pakikidalamhati sa matatanda, sa balo

at sa ulila ang dapat umakay sa inyo sa pagbibigay ng tulong na

kailangan nila. Ibig sabihin, dapat kayong maging tulad ng publikano

at hindi ng Fariseo. “Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na

isang makasalanan.” [Tingnan sa Lucas 18:10–13.] Ang gantimpala

ninyo sa paggawa [nito] ay ang pagpapala ng kaaliwan sa inyong

sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kapatawaran ng

inyong sariling mga kasalanan.

Magutom at mauhaw

Naranasan na ba ninyong magutom o mauhaw at maging ang

kapirasong panis na tinapay o kahit sipsip lang ng maligamgam

na tubig upang mapawi ang pagkagutom at pagkauhaw ay tila pinakamahalaga

na sa lahat ng ari-arian? Kung naranasan na ninyo

ang gayong pagkagutom ay masisimulan ninyong maunawaan

ang ibig sabihin ng Guro na dapat tayong magutom at mauhaw

sa katuwiran. Ang pagkagutom at pagkauhaw na iyon ang umaakay

sa mga malayo sa tahanan na hangarin ang pakikipagkapatiran

ng mga banal sa mga serbisyo ng sakramento at

nanghihimok ng pagsamba sa Araw ng Panginoon saanman tayo

naroon. Iyon ang nanghihikayat ng taimtim na panalangin at

umaakay sa ating mga paa papunta sa mga banal na templo at

nagsasabing maging mapitagan tayo doon. Ang taong nagpapanatiling

banal sa Araw ng Sabbath ay mapupuspos ng walang katapusang

kagalakan na dapat na higit na mithiin kaysa sa

panandaliang kasiyahan na nagmumula sa mga gawaing salungat

sa kautusan ng Diyos. Kung kayo’y magtatanong nang may “matapat

na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya

kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan. . .sa inyo, sa

236

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!