17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 19

Napagbubuti natin ang ating espiritu sa pamamagitan ng pagsasanay.

... Kailangan nating sanayin ang ating espiritu nang

may pag-iingat tulad ng pagsasanay natin sa ating katawang pisikal,

upang ganap tayong umunlad. Kailangan ng ating espiritu

ang ehersisyo araw-araw sa pamamagitan ng panalangin, sa paggawa

nang mabuti araw-araw, sa pagbabahagi sa iba. Kailangan

nating pakainin ang ating espiritu araw-araw sa pamamagitan ng

pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw, ng [gabing pantahanan

ng mag-anak], ng pagdalo sa mga pulong, ng pagtanggap

ng sakramento. Kailangan nating iwasan ang masasamang

epekto na dumarating sa ating buhay kapag nalalabag natin ang

isa sa mga utos ng Diyos. Ito’y parang lason sa ating katawang espirituwal.

Ang mga pagsusuri sa ating espiritu ay dumarating kapag nakakaharap

natin ang mga espirituwal na doktor ng Diyos—ang

ating mga obispo, ating mga pangulo ng istaka, at paminsanminsan

ang mga Pangkalahatang Awtoridad sa mga panayam na

palaging isinasagawa sa layuning tumulong sa paghahanda sa

atin para sa espirituwal na pagsulong. Kailangan minsan, bilang

resulta ng mga panayam na ito, na may isagawang ilang malalaking

operasyon sa ating espiritu. 3

Ang lahat ng labag sa kalooban ng Diyos ay tulad din ng lason

sa inyong buhay espirituwal at kailangang talikuran tulad ng pagiwas

ninyo sa mga may tatak na lason sa mga lagayan ninyo ng

gamot sa tahanan. 4

Sinisikap ng taong matwid na pagbutihin ang kanyang sarili

dahil alam niyang kailangan niyang pagsisihan araw-araw ang

kanyang mga pagkakamali o kapabayaan. Hindi siya gaanong nababagabag

sa kung ano ang makukuha niya kundi higit sa kung

gaano ang maibibigay niya sa iba, dahil alam niyang tanging sa

landas na iyon niya matatagpuan ang tunay na kaligayahan.

Sinisikap niyang gawin ang pinakamabuti sa araw-araw upang sa

pagtatapos ng gabi ay mapatunayan niya sa kanyang kaluluwa at

sa kanyang Diyos na lahat ng ginawa niya sa araw na iyon ay ginawa

niya sa abot ng kanyang makakaya. 5

208

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!