17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 3

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano nagawang posible ng Pagkahulog nina Adan at Eva

ang mga biyaya ng mortalidad?

Sa sarili nilang kagustuhan at sa pagpili nila, kinain nina Adan

at Eva ang bunga, na ipinagbawal sa kanilang kainin; kung kaya

napasailalim sila sa batas ni Satanas. Sa pagsuway na iyon, malaya

na ang Diyos na hatulan sila. Nalaman nila na maliban sa pagiging

maawaing Ama ng Diyos, siya rin ay makatarungang Ama,

at nang labagin nila ang batas, kinailangang tanggapin nila ang

kaparusahan, kung kaya pinalayas sila sa magandang halamanan.

Dinanas nila ang lahat ng malaking pagbabago na dumating sa

tao magmula noon. Nalaman nila na dahil sa kanilang pagsuway

ay natanggap nila ang kaparusahan ng makatarungang paghatol.

Napilitan silang magtrabaho at magpawis upang may makain, sapagkat

sila ay mga mortal na.

. . .Dalamhati, kalungkutan, kamatayan ang naging bunga nito,

ngunit kasama ng dalamhating iyon na tulad ng sarili nating mga

karanasan mula noon hanggang ngayon ay ang kaalaman at

pang-unawa na hindi sana kailanman natamo kung walang pagdadalamhati.

. . .Hindi lamang sina Adan at Eva ang naapektuhan ng pagbabagong

dulot ng Pagkahulog, naapektuhan ng pagbabagong iyon

ang buong kalikasan ng tao, ang lahat ng likas na nilikha, lahat

ng hayop, halaman—lahat ng klase ng buhay ay nabago. Maging

ang mundo ay napasailalim sa kamatayan. ... Walang sinuman

ang makapagpaliwanag kung paano nangyari iyon, at sinumang

magtatangkang magpaliwanag ay lalampas sa anumang bagay na

nasabi na sa atin ng Panginoon. Ngunit ang pagbabago ay lumaganap

sa buong kaanyuan ng paglikha, na nang panahong iyon

ay hindi pa napasailalim sa kamatayan. Mula noon ang lahat ng

likas na nilikha ay unti-unting nanghina hanggang sa oras ng kamatayan

nito, kung kailan kailangan ang pagpapanumbalik sa kalagayan

na pagkabuhay na mag-uli. ...

. . .Ang isa sa mga pinakadakilang pangangaral, isa sa pinakamaiiksing

pangangaral na naibigay ng tao sa palagay ko, ay ibinigay

ni Inang Eva. ...

24

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!