17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 3

Dapat gawin ng bawat isa ang lahat ng makakaya niya upang

iligtas ang kanyang sarili mula sa kasalanan; pagkatapos maaari

na siyang umasa sa mga pagpapala ng pagkatubos sa pamamagitan

ng Banal ng Israel, nang ang buong sangkatauhan ay maaaring

maligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at

ordenansa ng ebanghelyo.

Nagbayad-sala rin si Jesus hindi lamang para sa mga paglabag

ni Adan kundi para sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan.

Ngunit ang pagkatubos mula sa kani-kanyang kasalanan ay nakasalalay

din sa kani-kanyang pagsisikap, kung saan bawat isa ay

hinahatulan alinsunod sa kanyang mga ginawa.

Nilinaw ng mga banal na kasulatan na bagaman mararanasan

ng lahat ang pagkabuhay na mag-uli, yaon lamang sumusunod

kay Cristo ang makatatanggap ng pinalawak na biyaya ng walang

hanggang kaligtasan. Nagsasalita tungkol kay Jesus, ipinaliwanag

ni Pablo sa mga Hebreo na “siya ang gumawa ng walang hanggang

kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya.” (Mga

Hebreo 5:9.). . .

Mapagkumbaba kong idinadalangin na higit na mauunawaang

ganap ng mga tao saan man ang pagbabayad-sala ng

Tagapagligtas para sa buong sangkatauhan, na nagbigay sa atin

ng plano ng kaligtasan na aakay sa atin sa buhay na walang hanggan,

kung saan ang Diyos at si Cristo ay nananahanan. 9

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Paano ninyo sasagutin ang tanong na “Ano ang akala ninyo

kay Cristo?”

• Bakit tinukoy ang Tagaligtas bilang “Kordero na pinatay buhat

nang itatag ang sanlibutan”? (Apocalipsis 13:8).

• Sa anu-anong paraan maituturing na kapwa biyaya at pagsubok

ang Pagkahulog para kina Adan at Eva? Paano rin ito pinagmumulan

ng kapwa kagalakan at kalungkutan para sa atin?

• Anu-anong uri ng kaalaman at pang-unawa ang matatamo lamang

sa pamamagitan ng pagtitiis ng mga pagsubok at pakikibaka

sa mortalidad?

30

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!