17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 19

utak ko at espiritu. Pagkatapos ako ay nagmumuni-muni. Mas

magiging malapit kayo sa Panginoon kapag natuto kayong magmuni-muni.

Hayaan ninyong maturuan ng Espiritu ang inyong

espiritu. 8

Hindi malilimutan ng Labindalawa ang payo ni Pangulong

David O. McKay sa aming pulong ng kapulungan isang umaga

nang binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-uukol ng oras

sa pagmumuni-mini upang manatili tayong naaayon sa espiritu.

. . . “Mahalagang tumugon sa mga bulong ng Espiritu at

alam natin na kapag dumating ang mga bulong na ito, ito’y kaloob

at ating pribilehiyo na dapat nating tanggapin. Dumarating

ang mga ito kapag nakapahinga tayo at hindi nagagambala ng

mga tipanan.”

Matapos iyon ay isinalaysay ng Pangulo ang isang karanasan sa

buhay ni Bishop John Wells, dating miyembro ng Namumunong

Obispado. Ang isang anak na lalaki ni Bishop Wells ay napatay sa

Emigration Canyon sa riles ng tren. ... Nasagasaan ng tren ang

kanyang anak. Hindi mapanatag si Sister Wells. Nagdalamhati

siya sa loob ng tatlong araw bago ang libing, walang natanggap

na kaaliwan sa libing, at tila mabigat ang iniisip. Isang araw matapos

ang libing, habang nakahiga siya sa kanyang kama na nagpapahinga,

at nagdadalamhati pa rin, sinabi niyang nagpakita sa

kanya ang kanyang anak at nagsabing, “Inay, huwag kayong magdalamhati.

Huwag kayong umiyak. Nasa maayos po akong kalagayan.”

Sinabi niya sa ina na hindi nito nauunawaan kung paano

naganap ang sakuna. Ipinaliwanag niya na nagbigay siya ng hudyat

sa inhinyero na magpatuloy at pagkatapos tulad ng dati ay sinikap

niyang abutin ang hawakan ng tren, ngunit nang tangkain

niyang gawin iyon ay naipit ang kanyang paa sa isang kahoy at

hindi niya nagawang abutin ang hawakan at ang kanyang katawan

ay pumasok sa ilalim ng tren. Malinaw na aksidente iyon.

Sinabi niya na noong sandaling malaman niya na nasa ibang kapaligiran

siya ay sinubukan niyang hanapin ang kanyang ama

ngunit hindi niya makausap ito. Masyadong abala ang kanyang

ama sa mga gawain sa opisina kung kaya hindi siya makatugon

sa kanyang tawag; kung kaya nagpunta siya sa kanyang ina at si-

214

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!