17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

73

KABANATA 7

nigyang-inspirasyon upang gawin tayong matalino sa pagdaig sa

tukso sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Ang mga

banal na kasulatang ito ay “mapapakinabangan sa doktrina, sa

panunumbat, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katwiran. Upang

ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng

mga gawaing mabuti.” (II Timoteo 3:16–17.) Dahil napakahalaga

ng mga banal na kasulatan sa plano ng kaligtasan ng Ama kung

kaya itinala ang mga pangyayaring iyon kung saan iniutos ng

Diyos ang pagkitil ng buhay upang maangkin ang mahahalagang

kasulatan dahil kung wala ang mga ito ang Kanyang mga anak ay

magpapahapay-hapay at mabubulagan sa kadiliman ng sanlibutan

[tingnan sa 1 Nephi 4:13]. 3

Sa ngayon mas binibigyang-pansin natin ang pagbabasa ng

mga komentaryo tungkol sa mga banal na kasulatan. Subalit wala

nang mas mahalaga pa kaysa sa hawakan ng ating mga kamay

ang mga banal na kasulatang iyon at basahin ang mga ito. ...

[M]ayroong bagay na higit na nakakapukaw, higit na espirituwal,

bagay na higit na makahulugan kapag binabasa ko ang mismong

banal na kasulatan. ... Wala nang mas mahalaga, lubos na kailangan

ngayon, kundi ang ikintal sa inyong mga anak ang pagmamahal

ding yaon sa mga banal na kasulatan. 4

Pinayuhan tayo ng Guro na saliksikin ang mga banal na kasulatan,

sapagkat dito natin matatagpuan ang landas patungo sa

buhay na walang hanggan, sapagkat pinatototohanan nila ang

landas na dapat tahakin ng mga tao upang magtamo ng buhay na

walang hanggan na kasama Niya at ng “Ama na nagsugo sa

[Kanya]” (Juan 5:30). 5

Paano nakakatulong ang pag-aaral ng Aklat ni Mormon

sa ating pagpapaunlad at pagpapanatili

ng ating espirituwalidad?

Lagi nang sumasaisip ko ang mga salita ni Propetang Joseph

Smith sa pakikipagpulong niya sa mga kapatid na kalalakihan,

ikinintal sa kanila ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon, may higit

na kahulugan kaysa sa iniisip ng marami sa atin. Ang pahayag

niya ay: “Sinabi ko sa mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ay

ang pinakatumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!