17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

201

KABANATA 18

Pupunta kayo doon para suriin, alamin ang mga kalagayan, at

umorder mula sa kamalig, kung kailangang gawin iyan, at iulat

sa inyong obispo ang mga kailangan ng pamilya para sa kanyang

pahintulot at pagkuha mula sa kamalig, o mula sa mga pondong

hawak niya, kung kailangan iyon. Ang pangalawang gagawin

ninyo ay tiyakin na napag-aralan ang mga problema sa pamamahala

ng tahanan, at makagawa ng mga direksiyon na makatutulong

sa paglutas ng mga problemang naroon. Kailangang handa

kayong tugunan ang mga biglaang pangangailangan, pagkakasakit,

pagkamatay, at iba pang uri ng ganitong kondisyon sa tahanan,

na mangangailangan ng pagdamay ng kapatid na babae na

dapat ipadama ng Samahang Damayan. Pagkatapos, kailangan

din na palagi ninyong palalakasin ang tiwala sa sarili ng mga tao

sa bahaging ito ng programa. Kayo ang dapat na tumutulong,

kayo ang dapat nagpapanatag sa situwasyon sa pamilya kapag

may biglaang pangangailangan. 6

Ngayon ang panahon para alamin ng mga miyembro ng pagkasaserdote

ang kanilang pangkat ng korum. Dapat kilalanin ng

bawat korum ang kanilang mga miyembro at ang mga kailangan

nila at hanapin ang mga nakabaon sa utang at sa magiliw na paraan

ay magmungkahi kung paano sila makaaahon sa pagkakautang.

Higit kailanman ay kailangan ng tao ang isang kaibigan

kapag siya’y naharap sa malaking problemang tulad nito.

Ngayon ang panahon upang bigyan sila ng tatag ng loob na tumanaw

sa hinaharap at magkaroon ng lakas na patuloy na sumulong.

Hindi lamang natin dapat turuan ang mga tao na

umahon sa pagkakautang kundi dapat din natin silang turuan na

umiwas sa pangungutang. 7

Umaasa kaming gagawin ng indibiduwal ang lahat upang tulungan

ang kanyang sarli, maging ito ma’y biglaang pangangailangan

ng isang pamilya o ng buong pamayanan, na gagawin ng

mga kamag-anak ang lahat upang tumulong. Pagkatapos nito’y

doon lamang kikilos ang Simbahan sa pamamagitan ng mga kalakal

mula sa kamalig at mga handog mula sa ayuno upang matugunan

ang kanilang mga pangangailangan na hindi kayang

tustusan ng mga kalakal mula sa kamalig, at sa huli, ang

Samahang Damayan at mga korum ng pagkasaserdote ay tutulong

sa pagsasaayos. 8

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!