17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 22

Ano ang nais niyang ituro? Sinisikap Niyang sabihin na ang

mga dagok ng paghihirap, ang mga pagbaha ng kasawiang-palad,

ang mga kahirapan, ay hahampas sa bahay ng bawat tao sa mundong

ito; at ang mga hindi babagsak—kapag nalugi ang banko,

kapag namatay ang mahal sa buhay, sa anupamang sakuna—ang

tanging magbibigkis sa atin sa kabila ng lahat ng unos at panggigipit

na ito ng buhay ay ang pagkakakatatag natin sa mga bato sa

pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. ...

Matiyagang hintayin ang Panginoon sa panahon ng pag-uusig

at matinding kahirapan. Sabi ng Panginoon,

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag

matakot, maaliw sa inyong mga puso; oo, magsaya kailanpaman,

at sa lahat ng bagay ay magbigay-pasasalamat;

“Matiyagang naghihintay sa Panginoon, sapagkat ang inyong

mga panalangin ay nakarating sa tainga ng Panginoon ng

Sabaoth, at natatala sa tatak na ito at testamento—ang

Panginoon ay sumumpa at nag-utos na ang mga ito ay ipagkakaloob.”

(D at T 98:1–2) 14

Ano ang maaari nating sabihin sa mga naghahangad ng kapayapaan

ng kalooban upang mapawi ang kanilang takot, maaliw

ang pusong nasasaktan, magdulot ng pang-unawa, lampasan ng

tingin ang mga hamon ngayon at asamin ang bungang dulot ng

pag-asa at mga pangarap sa kabilang daigdig?. . .

Sinabi ng Guro kung ano ang pinagmumulan ng kapayapaan

sa dakong huli nang sabihin niya sa kanyang mga disipulo, “Ang

kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng

sanlibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan

ang inyong puso, ni matakot man.” (Juan 14:27.) 15

“Sundin ang mga kautusan ng Diyos,” dahil narito ang landas

na nagdudulot ng kapayapaan sa kalooban na binanggit ng Guro

nang magpaalam Siya sa Kanyang mga disipulo: “Ang mga bagay

na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo’y magkaroon sa akin ng

kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian:

ngunit laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.”

(Juan 16:33.) Nawa mahanap ng bawat isa sa inyo, sa gitna ng lahat

ng kaguluhang nakapalibot sa inyo, ang makalangit na katiyakan

mula sa Guro na nagmamahal sa ating lahat, na pumapawi

248

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!