17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 5

May mga lubos na personal na pangyayari kung kaya’t nalaman

ko ito nang may katiyakan. Noong hinahangad ko ang Espiritu

upang makapagbigay ng pananalita tungkol sa paksang Pasko ng

Pagkabuhay, ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon, nagkulong

ako sa kuwarto, binasa ang apat na ebanghelyo, lalung-lalo

na ang tungkol sa Pagpapako sa Krus, ang Pagkabuhay na Maguli,

at may nangyari sa akin. Habang nagbabasa ako, para bang

binubuhay kong muli, halos, ang mismong pangyayari, at hindi

isang kuwento lamang. At pagkatapos ay ibinigay ko ang aking

mensahe at nagpatotoo na ngayon, bilang isa sa pinakahamak sa

aking mga kapatid, ako ay nagkaroon rin ng pansariling saksi sa

kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ng ating Panginoon at

Guro. Bakit? Sapagkat may nag-aalab sa aking puso kung kaya nakapagsasalita

ako nang may katiyakan at walang-alinlangan.

Gayon din kayo. At ang lubos na nakasisiyang bagay sa buong

sanlibutan, ang pinakamahusay na angkla sa inyong kaluluwa, sa

oras ng kaguluhan, sa oras ng tukso, sa oras ng karamdaman, sa

oras ng pag-aalinlangan, sa oras ng inyong mga pakikibaka at

pagpupunyagi, [ay ang] malaman ninyo nang may katiyakang

dadaig sa lahat ng pag-aalinlangan na ang Diyos ay buhay. 23

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Bakit ang paghahayag mula sa Espiritu Santo “ang pinakamabisang

saksi na mapapasainyo” na ang Tagapagligtas ay buhay?

• Anong payo ang ibinigay ni Pangulong Lee tungkol sa kung

paano makatatanggap ng patotoo ng ebanghelyo? Ano ang nakatulong

sa inyo upang matanggap ang inyong patotoo?

• Paano natin makikilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Pangulong Lee nang

sabihin niyang, “Ang patotoo ay kasing-ilap ng hamog;. . . kailangang

lagi ninyo itong angkining muli at muli bawat umaga

ng inyong buhay”?

• Ano ang maaaring maging dahilan para mabawasan o mamatay

ang ating mga patotoo? Ano ang dapat nating gawin upang

ang liwanag ng ating mga patotoo ay “magningning hanggang

sa tiyak na kaliwanagan”?

54

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!