17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 5

totoo. Sinagot ko siya nang ganito, “Kapag dumating na ang panahon

na sinasabi ng puso mo ang mga bagay na hindi alam ng

isip mo, iyan ang Espiritu ng Panginoon na nagdidikta sa iyo.” At

pagkatapos sinabi ko, “Sa pagkakakilala ko sa iyo, may mga bagay

na alam mo sa puso mo na totoo.” Walang anghel na tatapik

sa balikat mo at magsasabi sa iyo na ito ay totoo.” Ang Espiritu

ng Panginoon ayon na rin sa sinabi ng Guro ay: “Umiihip ang hangin

kung saan niya ibig, at maririnig mo ang kanyang tunog,

ngunit hindi mo masasabi kung saan ito nanggagaling at kung

saan ito paroroon; gayon din ang bawat isa na ipinanganak ng

Espiritu” (Juan 3:8). Kaya sinabi ko sa kaibigan kong tagapangasiwa

ng negosyo: “Ngayon, tandaan mo, hindi darating sa kagilagilalas

na paraan ang iyong patotoo, ngunit kapag dumating ito,

babasain ng mga luha ng kagalakan ang iyong unan sa gabi.

Malalaman mo, mahal kong kaibigan, kapag dumating ang patotoong

iyon.” 4

Pinatototohanan ko sa inyo na alam kong buhay ang

Tagapagligtas, na ang pinakamabisang saksi na mapapasainyo na

Siya ay buhay ay darating kapag nagbigay saksi ang kapangyarihan

ng Espiritu Santo sa iyong kaluluwa na tunay ngang Siya ay

buhay. Higit pang makapangyarihan kaysa sa paningin, mas makapangyarihan

kaysa sa paglakad at pagkausap sa Kanya, ay ang

pagsaksi ng Espiritu kung saan kayo ay hahatulan kung kayo ay

babaling sa Kanya. Ngunit ito ay sa pananagutan ninyong lahat,

at pananagutan ko rin, na mapatibay ang patotoong iyan.

Madalas tayong tinatanong, paano ba talaga nakatatanggap ng

paghahayag ang isang tao? Sinabi ng Panginoon sa isang paghahayag

sa mga sinaunang pinuno, “Sasabihin ko sa inyo sa inyong

isipan at sa inyong puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ito

ay mananahanan sa inyong puso. Ito ang paghahayag kung paano

nadala ni Moises ang mga anak ng Israel patawid sa Pulang

Dagat at sa kabila nito.” [Tingnan sa D at T 8:2–3.] Kapag ang

Espiritung iyan ay sumaksi sa ating espiritu, iyan ay paghahayag

mula sa Makapangyarihang Diyos. 5

[Nang namatay si Lazaro, ipinahayag ng Tagapagligtas kay

Marta,] “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: siya na

naniniwala sa akin, bagama’t siya’y patay, gayon ma’y mabubuhay

siya: “At ang sinumang buhay at naniniwala sa akin ay hindi

46

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!