17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

269

KABANATA 24

ito ang araw para magsimula tayong gumawa ng hakbang, bago

mahuli ang lahat. 14

[Naalaala ko] ang isang kuwentong nangyari sa mga Isla ng

Hawaii noong nakaraang tag-init tungkol sa isang batang babae

na nagsama ng kaibigan sa kanyang tahanan. Naglalaro sila habang

ginugugol ng lola sa tahanan ang kanyang oras sa pagbabasa

ng Biblia. Sa tuwing pupunta ang kapitbahay na batang

babae, ang lola ay nagbabasa ng Biblia, at sinabi niya sa huli, sa

maliit na apo, “Bakit gumugugol ng maraming oras ang lola mo

sa pagbabasa ng Biblia?” At sumagot ang maliit na apo, “Kasi,

naghahabol si Lola para sa huling pagsusulit.”

Mangyari pa, hindi din naman siya mali. At palagay ko mas makabubuti

kung iisipin nating lahat ang kahalagahan ng paghahabol

para sa huling pagsusulit. 15

Gaano katagal ninyo ipinagpaliban ang araw ng pagsisisi para

inyong sariling mga pagkakamali? Ang kahatulang matatanggap

natin ay sa harap ng Matwid na Hukom na magsasaalang-alang sa

ating mga kakayahan at limitasyon, sa ating mga oportunidad at

ating mga kapansanan. Ang taong nagkakasala at nagsisisi at pagkatapos

ay pinupuspos ang kanyang buhay nang may layuning

pagsisikap ay hindi gaanong mawawalan sa araw na iyon ng matwid

na kahatulan. Di tulad ng taong bagama’t hindi nagkakasala

nang mabigat, ay nabibigong tunay sa hindi paggawa ng bagay na

kaya niya at may pagkakataong gumawa ngunit ayaw niyang gawin

iyon. 16

Habang nakaupo tayo ngayon, na pinag-iisipang mabuti ang

ating buhay, at halimbawang may mangyari sa paglisan natin sa

kongregasyong ito, at tumigil ang ating buhay. Mayroon bang

hindi pa natapos na gawain na kailangan pa ninyong gawin bago

dumating ang sandaling iyon sa inyo?. . . May mga pagkakamali

ba kayong dapat ituwid bago dumating ang sandaling iyon? May

mga kamag-anak ba kayo sa kabila na naghihintay sa inyo na

ipagkakapuri ninyong makilala kung gagawin ninyo ang ilang bagay

na di-natapos na kailangan ninyong gawin ngayon? Handa ba

kayong makaharap ang mga kamag-anak doon sa kabila, matapos

gawin ang lahat sa abot ng inyong makakaya para sa kanilang

kaligayahan sa hinaharap? May mga kasalanan ba kayong

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!