17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 14

ng Alibughang Anak, siya’y magbalik sa tahanang kanyang pinanggalingan,

tulad ng barko sa unos na nagbabalik sa ligtas na

daungan. 20

Bilang kabataan ang isang tao’y maaaring humiwalay sa impluwensiya

ng mabuting tahanan at maaari siyang maging dimaingat

at suwail, ngunit kung ang mga turo ng mabuting ina sa

kanyang kabataan ay makikintal sa kanyang puso, magbabalik

siya dito para sa kaligtasan, tulad ng pagdaong ng barko kapag

may unos. 21

Huwag sumuko sa anak na iyon na nasa hindi mapagtiisang

kalagayan ng [pagkamakasarili] na pinagdaraanan ng ilang tinedyer.

Sumasamo ako sa inyo para sa kapakanan ng mga anak na

iyon. Huwag sumuko sa isang anak na nasa imposibleng kalagayan

ng pagsasarili at di-pagpansin sa pagdisiplina ng pamilya.

Huwag kayong sumuko kapag kinakikitaan sila ng nakagigimbal

na kawalan ng pananagutan. Ayaw ng mga taong alam-ang-lahat

at makapamumuhay nang mag-isa ang anumang payo, na sa kanya’y

pangangaral lamang ng isang makaluma na di-nakauunawa

sa kabataan. ...

May apo kaming lalaki na naging misyonero sa North British

Mission. Hindi pa siya nagtatagal doon nang sumulat siya ng nakatutuwang

liham kung saan sinabi niyang ang payo ng kanyang

mga magulang ay bumabalik sa kanya ngayon nang buong linaw.

Tulad ito ng isang aklat sa estante na labingsiyam na taon nang

naroon at ngayon lang niya kinuha at sinimulang basahin sa kauna-unahang

pagkakataon. Ganyan ang inyong anak na lalaki at

babae. Maaaring sa tingin ninyo’y di sila nakikinig. Maaaring

akala nila’y di sila nakikinig, ngunit isang araw maaaring hanapin

nila ang inyong payo at halimbawa at isaalang-alang ang mga ito

kapag kailangang-kailangan na nila.

May mga puwersang pumapasok sa eksena matapos magawa

ng mga magulang ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na turuan

ang kanilang mga anak. Ang gayong puwersa ang nakaimpluwensiya

sa nakababatang Alma, na, kasama ng mga anak ni

Mosias, ay humayo upang sirain ang gawain ng kanilang mga dakilang

ama. Isang anghel, kung natatandaan ninyo, ang isinugo,

160

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!