17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

67

KABANATA 6

pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin at pinagputol-putol

ang mga bato sa harap ng Panginoon; ngunit ang

Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang

lindol; ngunit ang Panginoon ay wala sa lindol:

“At pagkatapos ng lindol ay apoy; ngunit ang Panginoon ay

wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong

na tinig.

“At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya nag kanyang

mukha ng balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan ng yungib.

. . .” (1 Mga Hari 19:11–13.)

Kadalasan kapag nagsasalita ang Diyos sa marahan at banayad

na tinig na ito, tulad ng ginawa niya kay Elias sa yungib, maaaring

hindi ito malinaw sa pisikal nating pandinig sapagkat, tulad ng sirang

radyo, marahil ay hindi tayo nakatono sa walang hanggan.

. . .Kadalasan ngayon, napakalayo na ng pamumuhay ng kalalakihan

at kababaihan sa espirituwal na bagay kaya kapag nagsasalita

ang Panginoon sa pisikal nilang pandinig, sa isipan nila

nang walang-ingay, o sa kanila sa pamamagitan ng kanyang mga

tagapaglingkod na binigyang-karapatan, na kung tinatagubilinan

ng Espiritu, na tulad ng kanyang sariling tinig, ay tanging ingay

lamang ang kanilang naririnig tulad ng mga nasa Jerusalem.

Gayundin, hindi sila nakatatanggap ng inspiradong karunungan,

o katiyakan sa kalooban, na ang isipan ng Panginoon ay nagsalita

sa pamamagitan ng kanyang mga propetang pinuno.

. . .Ipinauunawa ni Enos na apo ni Lehi kung bakit nakatatanggap

ang ilan ng kaalaman ng mga bagay ng Diyos samantalang

ang iba ay hindi. Isinalaysay muli ni Enos ang kanyang

pagpupunyaging matamo ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan

upang siya ay maging karapat-dapat sa kanyang mataas

na tungkulin.

Sa huli ay ipinahayag niya: “At samantalang ako ay nasa gayong

pagpupunyagi sa espiritu, masdan, ang tinig ng Panginoon ay sumaisip

kong muli, sinasabing: Ako ay dadalaw sa iyong mga kapatid

alinsunod sa kanilang pagsusumigasig sa pagsunod sa

aking mga kautusan. . . .” [Enos 1:10.]

Hayan at nasa inyo na, sa simpleng salita, ang isang dakilang

alituntunin: Hindi ang Panginoon ang naglalayo ng kanyang sa-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!