17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 18

bawat dispensasyon simula pa noong una. Hindi ito nagsimula

noong 1936 lamang. Nagsimula ito noong umpisahang pangalagaan

ng Panginoon ang Kanyang mga tao sa mundong ito. 3

Kapag nawasak ang tahanan dahil sa mga pangangailangan sa

pagkain at masisilungan at damit at panggatong,. . . ang unang

dapat nating gawin ay ipadama na ligtas sila, na nasa ayos ang

mga materyal na bagay, bago natin simulang iangat ang pamilya

sa antas na maituturo natin sa kanila ang pananampalataya. Iyan

ang simula, ngunit kung hindi natin alam ang layunin ng ating

ginagawa hinggil sa pagkakaroon ng pananampalataya, ang pagbibigay

ng materyal na tulong ay nabibigo. Ngayon, kailangan nating

maunawaan na, kung sisikapin lamang nating palakasin ang

pananampalataya nang hindi muna binubusog ang kanilang mga

tiyan at tinitiyak na nadaramitan sila nang maayos at may maayos

na tirahan at hindi giniginaw, marahil mabibigo tayo sa pagpapalakas

ng pananampalataya. 4

Madalas naming ulitin ang pahayag na ibinigay sa atin ni

Pangulong [Heber J.] Grant nang pasimulan ang programang ito

sa [pangkapakanan]. Ito ang kanyang mga salita. . .:

“Ang ating pangunahing layunin ay magtayo, sa abot ng ating

makakaya, ng sistema kung saan mapapawi ang sumpa ng katamaran,

mawawala ang kasamaan ng paglilimos, at minsan

pang makintal sa ating mga tao ang pagtayo sa sariling paa, kasipagan,

katipiran, at paggalang sa sarili. Ang layunin ng

Simbahan ay tulungan ang mga tao na tulungan ang kanilang

sarili. Ang trabaho ay dapat muling bigyan ng halaga bilang namamayaning

alituntunin sa buhay ng mga miyembro sa ating

Simbahan.” [Sa Conference Report, Okt. 1936, 3.]

Naglakbay ako sa buong Simbahan sa kahilingan ng Unang

Panguluhan. Kasama ko si Elder Melvin J. Ballard noong bago pa

lamang ang programang pangkapakanan upang talakayin sa lokal

na mga pinuno ng Simbahan ang mga detalyeng kailangan sa

pagsisimula nito. Mayroon siyang tatlong paboritong talata sa

mga banal na kasulatan na madalas niyang banggitin sa mga tao.

Ang isang pahayag na madalas niyang banggitin ay ito:

“Kailangan nating asikasuhin ang ating mga tao, dahil sinabi ng

Panginoon na ang lahat ng ito’y dapat gawin upang: ‘. . .ang sim-

198

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!