17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 24

Mga Turo ni Harold B. Lee

Ano ang layunin ng ating mortal na buhay?

Ano ang layunin ng buhay. . .? Ang tanging sagot ay matatagpuan

sa isang banal na kasulatan na naghahayag sa layunin ng

Diyos sa pagbibigay ng buhay sa lahat, at ang layuning iyon ay ipinaliwanag

sa isang paghahayag sa propetang si Moises: “Ito ang

aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan

at buhay na walang hanggan ng tao.” [Moises

1:39.] Kung ang isang tao ay hihinga sandali sa mortal na buhay

at pagkatapos ay babawian na ng buhay, o kaya’y mabuhay siya na

kasing tanda ng punongkahoy, ang layunin ng ating Ama ay naisakatuparan

na rin kung ang pag-uusapan ay ang pagkakaroon

ng kawalang-kamatayan. At ang tinatawag na buhay na walang

hanggan ay ang mamuhay ang isang tao upang, sa pamamagitan

ng kanyang pamumuhay, siya’y maging karapat-dapat sa buhay

na walang hanggan sa piling ng Diyos Ama at ng Anak. 3

Ang tao sa daigdig ng mga espiritu ay anak ng Maykapal. Ang

mundo ay nilikha at binuo upang maging tirahan ng mga espiritung

isinilang sa langit sa mga mortal na katawan nang sa gayo’y

“[subukin] sila upang makita kung kanilang gagawin ang lahat

ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang

Diyos.” [Tingnan sa Abraham 3:25.] Ang layunin ng Diyos sa paggawa

ng gayon ay “isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay

na walang hanggan” o, sa madaling salita, bilang bunga ng

matagumpay na mortal na buhay, ibalik ang bawat kaluluwa sa

piling ng “Diyos na sa kanila ay nagbigay-buhay.” Sa pamamagitan

ng nabuhay na mag-uling katawan na hindi na sasailalim sa

kamatayan at sa gayo’y naging perpekto, mamumuhay sila nang

walang hanggan sa piling ng Panginoon na ating Guro at Ama nating

lahat. 4

Isinalaysay ni [Pangulong George F. Richards] ang kuwento

tungkol sa isang binata na matindi ang paghahangad na makapag-aral.

Hindi siya mapag-aral ng kanyang mga magulang sa kolehiyo,

kung kaya nagpunta siya sa kolehiyo sa lungsod, at

matapos ang masigasig na pagtatanong nakakita siya ng lugar

[kung saan] siya makapangungupahan. Sa huli ay binigyan siya

264

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!