17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 9

ng mga barko. Gayundin sa landas ng buhay patungo sa kawalang-kamatayan

at buhay na walang hanggan: ang mga “inhinyero

ng Diyos,” sa pagsunod sa balangkas na ginawa sa langit,

ang nagtakda ng landas na pinakaligtas at pinakamasayang daanan

at nagbigay babala sa atin kung alin ang mga mapanganib na

lugar. 20

Bibigyang inspirasyon ng Panginoon ang Kanyang mga tagapaglingkod

upang akayin sa tama ang Kanyang simbahan.

Matatanggap ng Kanyang mga propeta ang inspirasyon ng

Panginoon upang sabihin sa mga miyembro ng Simbahan, “Ito

ang daan, lakaran ninyo” (Isaias 30:21). Maging sa mga oras ng

krisis na dumarating sa ating kapanahunan, tulad ng inilarawan

sa makabagong paghahayag, ang larawang nais ng Panginoon na

makita natin ay ang katatagan at pagkakaisa. Naaalala ninyo ang

sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo, “Subalit ang aking mga disipulo

ay tatayo sa mga banal na lugar, at hindi matitinag” (D at

T 45:32). 21

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Sino ang tunay na Pinuno ng Simbahan? Sa pamamagitan nino

nagbibigay ang Panginoon ng direksiyon at tagubilin sa

Kanyang Simbahan?

• Paano lumilitaw ang bagong doktrina sa Simbahan?

• Paano nakapaghahanda ang Pangulo ng Simbahan sa kanyang

malaking tungkulin? Paano pinangangasiwaan ng Panginoon

ang pagpili ng mga Pangulo ng Kanyang Simbahan?

• Anong payo na ibinigay ng buhay na propeta ang lalong nagpala

sa inyong buhay?

• Bakit sa palagay ninyo iginagalang ng ilang tao ang mga propeta

ng nakaraan ngunit nabibigong igalang ang buhay na propeta?

Ano ang mga ibubunga ng hindi pakikinig sa mga salita

ng buhay na propeta o ng paghamon sa kanyang awtoridad?

• Anong mga pangako ang ibinigay sa mga nakikinig sa mga salita

at kautusan ng buhay na propeta?

102

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!