17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 10

Mga Turo ni Harold B. Lee

Ano ang pagkasaserdote?

Sa paglipas ng mga taon ay dalawang konsepto ang ipinahiwatig

sa pagbibigay kahulugan sa pagkasaserdote. Ang isa pang

pagkasaserdote ang awtoridad na ibinigay ng ating Ama sa Langit

sa tao upang bigyan siya ng karapatan na mangasiwa sa lahat ng

bagay na may kinalaman sa kaligtasan ng sangkatauhan sa lupa.

Ang ikalawang konsepto ay inilarawan sa pamamagitan ng isa

pang makahulugang ideya na ang pagkasaserdote ang kapangyarihan

kung saan kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng tao. 2

Narito ang pagkasaserdote ng Diyos at ipinasa-pasa ito simula

noong ipanumbalik ang Simbahan sa pamamagitan ng mga sugo

na ipinadala upang ipanumbalik ang awtoridad nang sa gayon

ang mga ordenansa ng kaligtasan ay maaaring maigawad sa lahat

ng matatapat sa lupa. Taglay ng pagkasaserdote ng Diyos ang

mga susi ng kaligtasan. 3

Sinabi ng Guro kay Pedro at sa iba pang mga apostol ang

tungkol sa isang kapangyarihang higit pa sa kapangyarihan ng

tao na tinawag niyang “mga susi ng kaharian ng langit,” at sinabi

niyang sa kapangyarihang ito, “Anoman ang iyong talian sa lupa

ay tatalian sa langit.” (Mat. 16:19.) Ang kapangyarihan at awtoridad

na iyon, kung saan naisasagawa ang mga banal na ordenansa,

ay kilala bilang banal na pagkasaserdote at palaging

matatagpuan sa Simbahan ni Jesucristo sa bawat dispensasyon

ng ebanghelyo sa lupa. 4

[Ang pagkasaserdote] ay ang karapatan na mangasiwa sa mga

ordenansa batay sa huwarang inihayag ng [Panginoon]. Ang kapangyarihang

ito. . .ay ang karapatang itinalaga ng Panginoon sa

tao upang kumilos sa Kanyang pangalan para sa kaligtasan ng

mga kaluluwa ng tao. ...

Ang isa sa mga layunin ng nakatataas na pagkasaserdote ay ang

mangasiwa sa mga ordenansa, na ibigay sa sangkatauhan ang kalaaman

tungkol sa Diyos na ipinahayag ng Guro na kailangan at

sinabi ni Apostol Pablo, sa pagsasalita sa organisasyon ng

Simbahan, na kailangan upang marating “ang pagkakilala sa

106

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!