17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

115

KABANATA 10

kayong mabuti. Ang kapangyarihan ng pagkasaserdote na inyong

taglay ay higit na kahanga-hanga kapag may krisis sa inyong tahanan,

may mabigat na karamdaman, o may ilang malalaking desisyon

na kailangang gawin, o may malaking panganib ng

anumang uri ng pagbaha, o sunog, o taggutom. Nakapaloob sa

kapangyarihan ng pagkasaserdote, na siyang kapangyarihan ng

Makapangyarihang Diyos, ang kapangyarihang gumawa ng mga

himala kung kalooban ng Diyos ang gayon, ngunit upang magamit

natin ang pagkasaserdoteng iyon, kailangang karapat-dapat

tayo na gamitin ito. Ang kabiguang maunawaan ang alituntuning

ito ay kabiguang tumanggap ng mga pagpapala ng pagtataglay ng

dakilang pagkasaserdoteng iyon. 19

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Paano tayo tinutulungan ng pagkasaserdote na “mahanap ang

ating landas pauwi” sa ating Ama sa Langit?

• Bakit mahalaga para sa mga nagtataglay ng pagkasaserdote na

tandaan na ang pagkasaserdote ay dapat gamitin upang magligtas

ng mga kaluluwa at pangasiwaan ang mga nangangailangan?

Sa pangyayaring matatagpuan sa Mga Gawa 3:1–9,

paano nagpakita sina Pedro at Juan ng halimbawa ng mabuting

paggamit ng kapangyarihan ng pagkasaserdote?

• Ano ang matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan

121:41–44 tungkol sa kung paano dapat gamitin ng mga nagtataglay

ng pagkasaserdote ang pagkasaserdote?

• Bakit kailangang maging matwid ang mga nagtataglay ng

pagkasaserdote kung magbibigay sila ng matapat na paglilingkod

ng pagkasaserdote? Sang-ayon kay Pangulong Lee,

ano ang kaparusahan ng pagkabigong gamitin nang matwid

ang pagkasaserdote?

• Bilang nagtataglay ng pagkasaserdote, paano kayo matutulungan

ng kaalaman na kayo ay nasa paglilingkod ng

Panginoon sa pagganap na mabuti ng inyong mga tungkulin

sa pagkasaserdote?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!