17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 17

bisa ng halimbawa—maging ito ma’y kapalooban ng mga magulang

na kapwa nagpapakita at nagsasabi sa kanilang mga anak

tungkol sa kahalagahan ng kasal sa templo o kaya’y isang nakauwi

nang misyonero na naging halimbawa ng bungang dulot ng

mga pagbabago at pagkahusto sa kaalaman sa ebanghelyo. 14

“Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa

ibabaw ng isang bundok.” [Tingnan sa Mateo 5:14.] Ano ang ibig

sabihin nito?

. . .Ang sinumang Banal sa mga Huling Araw na aktibo sa

Simbahan, nasa serbisyo-militar, na aktibo sa lipunan, o nasa

pagnenegosyo ay itinuturing hindi lamang bilang indibiduwal,

kundi bilang Simbahan sa ngayon. May nagsabing: “Mag-ingat

kung paano ka kumilos, dahil baka ikaw lamang ang tanging halimbawa

ng Simbahan na makikita ng ibang tao.” Binalaan tayo

ng Panginoon dito na kailangang maging mas mataas ang pamantayan

ng pamumuhay sa Simbahan kaysa sa pamantayan ng

pamumuhay sa daigdig. 15

Nasa Seoul, Korea ako kamakailan [1954], at isa sa pinakamabuting

tauhan natin sa bansang iyon ay ang isang lalaking nagngangalang

Dr. Ho Jik Kim. Siya’y. . .tagapayo sa pamahalaan ng

Korea. Pinuno siya ng isa sa mga institusyon ng edukasyon doon,

at napalilibutan siya ngayon ng tatlumpu’t apat na mga binyagan,

karamihan sa kanila’y may mataas na pinag-aralan. Kinausap namin

siya sa loob ng mga dalawang oras, sa pagsisikap na itatag

ang pundasyon na maaaring magpasimula sa mga gawaing misynero

sa lupain ng Korea. Ikinuwento niya sa amin ang kanyang

pagbabalik-loob. “Ang bagay na nakaakit sa akin sa simbahan,”

paliwanag niya, “ay nang anyayahan ako sa tahanan ng dalawang

kalalakihang Banal sa mga Huling Araw na mga guro ng Cornell

University. ... Ang bagay na hinangaan ko ay ang uri ng kanilang

buhay sa tahanan. Hindi pa ako nakapasok sa tahanan kung saan

napakalambing ng ugnayan ng mag-asawa, at ng ama at ina at

mga anak. Nakita kong nanalangin silang pamilya. Labis akong

humanga kung kaya nagsimula akong magtanong tungkol sa kanilang

relihiyon. At isang gabi matapos akong mag-aral sa loob

ng mahabang panahon at nakumbinsing kanais-nais ang mapabilang

sa gayong samahan, nalaman kong dapat muna akong

190

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!