17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

97

KABANATA 9

mumunong awtoridad, at ang Pangulo ng Labindalawa ang kagyat

na nagiging gumaganap na Pangulo ng Simbahan hanggang

sa opisyal na maordenan at maitalaga ang Pangulo ng Simbahan

sa kanyang katungkulan. ...

Lahat ng miyembro ng Unang Panguluhan at ng Labindalawa

ay regular na sinasang-ayunan bilang “mga propeta, tagakita, at

tagapaghayag.” . . . Ibig sabihin nito ang sinumang Apostol, na hinirang

at inordenan, ay makapamumuno sa Simbahan kung siya

ay “pinili ng pangkat [na pinapakahulugang tumutukoy sa buong

Korum ng Labindalawa], itinalaga at inordenan sa tungkuling

yaon, at pinagtibay ng pagtitiwala, pananampalataya, at

panalangin ng simbahan.” Ito’y bilang pagbanggit sa paghahayag

tungkol sa paksang ito, sa isang kondisyon, at ito’y ang kanyang

pagiging pinakamatagal na nanunungkulan na miyembro, o

Pangulo, ng pangkat na iyon (tingnan sa D at T 107:22). 9

Nang maupo ako bilang nakababatang miyembro ng

Kapulungan ng Labindalawa, ang unang muling pagsasaayos ng

Simbahan na napahintulutan akong makilahok ay noong mamatay

si Pangulong [Heber J.] Grant. . . . Nang banggitin ng [bagong]

Pangulo ang pangalan ng kanyang mga tagapayo at maupo

na sila sa kanilang puwesto sa uluhan ng silid, sa kalooban ko’y

nagkaroon ako ng patotoo na ang kalalakihang ito ang nais ng

Panginoon na maging Panguluhan ng Simbahan. Dumating ito sa

akin nang may matibay na paniniwala na tila ba isinisigaw ang katotohanan

sa aking tainga.

. . . Hangga’t walang matibay na paniniwala ang mga miyembro

ng simbahang ito na sila ay inaakay sa tamang landas, at

hangga’t wala silang matibay na paniniwala na ang kalalakihang

ito ng Diyos ay kalalakihang binigyang-inspirasyon at hinirang ng

kamay ng Diyos, sila ay hindi tunay na nagbalik-loob. 10

Inihahayag [ng Panginoon] ang batas at hinihirang, pinipili, o

inaatasan Niya ang mga pinuno at may karapatan Siyang pagalitan,

itama, o kaya’y alisin sila ayon sa Kanyang kagustuhan. Kung

kaya kailangan ang palagiang [komunikasyon] sa pamamagitan

ng tuwirang paghahayag sa pagitan Niya at ng Kanyang

Simbahan. Bilang pamarisan ng nabanggit na katotohanan, tingnan

natin ang mga halimbawa ng lahat ng kapanahunan na na-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!