17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

159

KABANATA 14

Ano ang maaaring maging impluwensiya ng pagmamahal

ng magulang at pagtuturo ng ebanghelyo sa

mga anak na naliligaw ng landas?

May mag-asawang problemado na lumapit sa akin kamakalawa

lamang. Ang panganay nilang anak na babae na labing-anim-nataong-gulang

ay nagdudulot ng maraming problema. Halos sumuko

na sila. Binanggit ko ang sinabi ni Brother Marvin J.

Ashton, na ang isang tahanan ay hindi bigo hangga’t hindi ito sumusuko

(tingnan sa Conference Report, Abril 1971, p. 15).

Totoo iyan. Ang tahanan ay dapat patuloy na magmahal at makipagtulungan

[sa kabataan], hanggang sa maitawid natin ang kabataan

sa mapanganib na edad. Walang bigong tahanan maliban

kung titigil ito sa pagtulong. 18

Ang pinakadakilang pagpapamalas ng kapangyarihan ng

Makapangyarihan na nakikita natin ngayon ay ang pagkatubos ng

mga kaluluwa ng tao mula sa espirituwal na kadiliman tungo sa

espirituwal na kaliwanagan. Narinig at nakita ko ang gayong himala

kamakailan lamang nang ang isang lalaking ayaw magbago

sa kanyang buhay, na ngayo’y halos nasa kalagitnaan na ang

edad, ay nagsalita, ayon na rin sa kanyang kahilingan, sa burol ng

kanyang matanda nang ina. Ang kanyang ama’t ina, na masunurin

sa bilin ng Panginoon, ay patuloy na nagturo sa kanilang mga

anak, pati na sa lalaking ito, na buong lakas at walang-galang na

tumutol sa kanila. Sa kabila ng pagtutol, patuloy na ginampanan

ng ama ang pagiging matapat na ama; hindi lamang siya nagturo,

kundi tuwing Linggo siya’y nag-ayuno at nanalangin, lalo na para

sa suwail na anak na ito. Ipinakita sa ama sa isang panaginip, tila

upang tiyakin sa kanya, ang kanyang suwail na anak na lumalakad

sa makapal na hamog. Sa panaginip ay nakita niya ang anak

na ito na lumakad palabas sa hamog tungo sa maliwanag na sikat

ng araw, na nalinisan ng taos-pusong pagsisisi. Nakita namin

ang anak na iyon na bagong tao na ngayon at tinatamasa ang ilan

sa mga piling pagpapala ng Panginoon sa Simbahan dahil sa kanyang

matatapat na magulang na hindi bumigo sa kanya. 19

Ito ang nais ko ngayong sabihin sa inyong mga ina: Huwag

sumuko sa [suwail] na anak na iyon; isang araw maaaring, tulad

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!