17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 1

Anu-ano ang pagpapalang ipinangako sa matatapat?

Kung ang mga anak ng Panginoon, na kinabibilangan ng lahat

ng nasa mundong ito, anuman ang nasyonalidad, kulay, o relihiyon,

ay makikinig sa tawag ng tunay na sugo ng ebanghelyo ni

Jesucristo, tulad ng ginawa ng tatlong astronot sa Aquarius sa

mga dalubhasang tekniko na nasa Mission Control noong oras

na sila’y nasa panganib, makikita ng bawat isa sa takdang panahon

ang Panginoon at malalaman na siya nga, tulad ng pangako

ng Panginoon. ...

Ang pangakong ito ng kaluwalhatian na para sa mga matapat

hanggang sa wakas ay maliwanag na inilarawan sa talinghaga ng

Guro tungkol sa Alibughang Anak. Sa anak na naging matapat at

hindi nilustay ang kanyang pagkapanganay, ang ama, na sa aral

ng Guro ay ang ating Ama at ating Diyos, ay nangako sa kanyang

matapat na anak: “Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat

ng akin.” (Lucas 15:31.)

Sa isang paghahayag sa makabagong propeta, nangangako ang

Panginoon sa matatapat at masunurin sa ngayon: “. . .lahat ng

mayroon ang aking Ama ay ibibigay sa kanya.” (D at T 84:38.)

O magiging katulad ba tayo ng mga hangal na nasa ilog sa itaas

ng Niagara Falls na papalapit sa mapanganib na mabibilis na agos

ng tubig? Sa kabila ng mga babala ng tanod sa ilog na magpunta

sa ligtas na lugar bago mahuli ang lahat, at sa pagbale-wala sa

mga babala, nagtawanan sila, nagsayawan, nag-inuman, nanuya,

at sila’y nangamatay.

Gayundin sana ang sinapit ng tatlong astronot ng Aquarius

kung tumanggi silang makinig hanggang sa kaliit-liitang tagubilin

mula sa Houston Control. Ang buhay nila’y nakasalalay sa

mga pangunahing batas na sumasakop at pumipigil sa mga puwersa

ng sansinukob.

Umiyak si Jesus nang makita niya ang daigdig sa kanyang paligid

noong kanyang kapanahunan na tila nasiraan na ng bait, at

patuloy na kumukutya sa kanyang samo na lumapit sila sa kanya

sa “makipot at makitid na landas,” na malinaw na tinandaan sa

walang hanggang plano ng Diyos ukol sa kaligtasan.

8

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!