17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

77

KABANATA 7

tas, upang maging batas ko upang pamahalaan ang aking simbahan”

(D at T 42:59). 12

Laging nariyan ang tukso na lumagpas pa sa ipinahayag ng

Panginoon at nagtangkang gumamit ng imahinasyon sa ilang

pagkakataon o maghaka-haka tungkol sa mga turong ito. Nais

kong tandaan ninyo iyan. Huwag kayong mangahas na lumagpas

pa sa ipinahayag ng Panginoon. Kung hindi ninyo alam, sabihin

ninyong hindi ninyo alam; subalit huwag ninyong sabihing hindi

ninyo alam kapag dapat ay inyong alam, sapagkat kayo ay dapat

maging mga mag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang mga katanungan

tungkol sa mga turo ng ebanghelyo ni Jesucristo ay dapat

masagot, hangga’t maaari, mula sa mga banal na kasulatan. 13

Mayroon tayo na wala ang ibang simbahan: apat na kagilagilalas

na mga aklat, ang katotohanan nito kung babasahin nating

lahat, ay napakalinaw kung kaya’t walang dahilan upang

magkamali tayo. Halimbawa, kapag gusto nating malaman ang

tungkol sa pakahulugan ng talinghaga ng agingay ayon sa ibig sabihin

ng Panginoon dito, ang dapat lamang nating gawin ay basahin

ang paghahayag na kilala bilang ika-86 na bahagi ng

Doktrina at mga Tipan at nasa atin na ang pakahulugan ng

Panginoon. Kung nais nating malaman ang tungkol sa nilalaman

ng mga turo ng Mga Pagpapala o ng Panalangin ng Panginoon,

mababasa natin ang mas wastong bersyon sa Pangatlong Nephi.

Maraming konsepto na hindi maliwanag ang nabigyang-linaw at

katiyakan sa ating mga isipan. 14

Bakit dapat nating gamitin ang mga banal na kasulatan

kapag nagtuturo tayo ng ebanghelyo?

Pananagutan ng mga nagtuturo sa Kanyang mga anak ang

ituro ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Hindi tayo itinalaga

upang magturo ng mga kuru-kuro o hula-hula sa katotohanan.

Hindi tayo itinalaga upang magturo ng mga pilosopiya o agham

ng sanlibutan. Itinalaga tayo upang magturo ng mga alituntunin

ng ebanghelyo tulad nang makikita sa apat na pamantayang aklat—ang

Biblia, ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga

Tipan, at ang Mahalagang Perlas.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!