17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 2 2

Kapayapaan ay Mapasainyong

Kaluluwa

Bakit kailangan ang paghihirap upang maisakatuparan

ang mga walang hanggang layunin ng Panginoon?

Pambungad

Ang lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay susubukan sa pamamagitan

ng paghihirap,” sabi ni Harold B. Lee. 1 Walang dayuhan

sa paghihirap, namatay ang asawa ni Harold B. Lee na si

Fern Tanner Lee, at ang kanyang anak na babaing si Maurine Lee

Wilkins noong mga 1960. Nagkaroon din siya ng matinding problema

sa kalusugan noong siya’y Pangkalahatang Awtoridad.

Inamin niya sa pangkalahatang komperensiya noong 1967:

“Kinailangan kong sumailalim sa ilang pagsubok, ilang matitinding

pagsubok, sa harap ng Panginoon, na sa palagay ko’y upang

mapatunayan kung handa akong sumailalim sa lahat ng bagay na

inaakala ng Panginoon na nararapat ibigay sa akin, tulad din ng

pagpapasailalim ng isang bata sa kanyang ama.” [Tingnan sa

Mosias 3:19.] 2

Ngunit nag-alok si Pangulong Lee ng kaaliwan sa gitna ng kalungkutan:

“Ang taong may pagtitiwalang umaasam sa walang

hanggang gantimpala sa kanyang pagsisikap sa mortalidad ay palaging

aalalayan sa kanyang mabibigat na pagsubok. Kapag nabigo

siya sa pag-ibig, hindi siya magpapakamatay. Kapag namatay

ang mga mahal sa buhay, hindi siya nawawalan ng pag-asa; kapag

natalo siya sa pinakaaasam na paligsahan, hindi siya sumusuko;

kapag nasira ng digmaan at kapahamakan ang kanyang kinabukasan,

hindi siya labis na nalulumbay. Namumuhay siya nang

mas mataas kaysa kanyang daigdig at hindi kailanman nawawalan

ng pag-asa sa layon niyang kaligtasan.” 3

241

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!