17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 10

inyong sarili sa mundo, tulad ng sinabi ng apostol na si Santiago,

“ang dalisay na relihiyon at walang dungis.” (Santiago 1:27.)

Dapat ninyong tiyakin na di lalaganap ang kasamaan at tiyakin na

lahat ng miyembro ay nahikayat na maging aktibo sa Simbahan.

Dapat ninyong ituro ang mga tamang alituntunin upang malaman

ng mga miyembro, pinuno, at guro kung paano pamamahalaan

ang kanilang sarili. ...

Kayong mga namumunong awtoridad ay inatasan ng tungkulin

sa kawan, o sa mga sangay, distrito, purok, o istaka na inyong

pinamumunuan. Dapat kayong maging mga ama, buong ingat at

patuloy na itinuturo sa mga ama na pangalagaan at turuan ang

kanilang sariling pamilya at maglingkod kapag tinawag sa iba’t

ibang katungkulan sa Simbahan, upang maging tagapagtanggol

ng pananampalataya. 17

Ang tunay na lakas ng simbahang ito’y nakasalalay sa kapangyarihan

at awtoridad ng banal na pagkasaserdote na ibinigay sa

atin ng ating Ama sa Langit sa panahong ito. Kung gagamitin natin

nang wasto ang kapangyarihang iyon at gagampanang mabuti

ang ating tungkulin sa pagkasaserdote, titiyakin natin na susulong

ang gawaing misyonero, na babayaran ang ikapu, na uunlad

ang planong pangkapakanan, na magiging ligtas ang ating mga

tahanan, at na maiingatan ang moralidad sa mga kabataan ng

Israel. 18

Ilang taon na ang nakalilipas nang magpunta ako sa komperensiya

ng istaka kung saan matatagpuan ang Manti Temple sa

gawing ibaba ng katimugang Utah. Madilim at maunos ang gabing

iyon at umuulan ng niyebe. Nang iwanan namin ang pulong

at magpunta sa tahanan ng pangulo ng istaka, tumigil kami sa sasakyan

at tumingala sa templo na nasa taas ng burol. Habang nakaupo

kami’t humahanga sa tanawin ng nagliliwanag na

templong iyon na nailawan nang maganda sa kabila ng maniyebe

at madilim na gabi, may sinabi sa akin ang pangulo ng istaka na

lubhang makahulugan. Sabi niya, “Ang templong iyan, bagaman

naiilawan, ay higit na maganda kapag may unos o kapag may makapal

na hamog.” Upang maunawaan ang kahalagahan niyon, hayaan

ninyong sabihin ko sa inyo na lalong mahalaga ang

ebanghelyo ni Jesucristo kapag may unos o kapag nahihirapan

114

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!