17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

35

KABANATA 4

Ngayon anu-anong hakbang ang dapat gawin sa pagtahak sa

landas ng pagsisisi nang sa gayon ay maging karapat-dapat sa kapatawaran

ng Diyos, sa pamamagitan ng pagbabayad-salang sakripisyo

ng Panginoon, at ang mga pribilehiyo ng buhay na

walang hanggan sa darating na daigdig? Ang pinakamarunong na

Ama, na nakita na noon pa man na may ilang magkakasala at kakailanganin

ng lahat na magsisi, ay ibinilang sa mga turo ng kanyang

ebanghelyo at sa pamamagitan ng kanyang Simbahan ang

plano ng kaligtasan na nagsasaad ng malinaw na landas ng

pagsisisi.

Una, yaong mga nagkasala ay dapat aminin ito. “Sa pamamagitan

nito inyong malalaman kung ang isang tao ay nagsisi ng

kanyang mga kasalanan—masdan, kanyang aaminin ang mga

yaon at tatalikdan ang mga yaon.” (D at T 58:43.) Ang pag-aming

iyan ay dapat munang gawin sa kanya na siyang nasaktan nang

labis sa iyong ginawa. Ang matapat na pag-amin ay hindi lamang

pag-amin ng kasalanan matapos na maihayag na ang katibayan.

Kung ikaw ay “nagkasala sa marami nang lantaran,” ang pagamin

mo ay dapat gawin nang lantaran at sa harapan ng iyong pinagkasalanan

upang maipakita mo ang iyong kahihiyan at

kapakumbabaan at kahandaang tumanggap ng nararapat na kaparusahan.

Kung ang ginawa mo ay palihim at nagdulot ng kapinsalaan

sa iyo at wala ng iba, dapat na umamin ka nang

palihim, nang ang iyong Ama na nakikinig sa iyo nang lihim ay

bukas kang gagantimpalaan. Ang mga hakbang na maaaring makaapekto

sa katayuan mo sa Simbahan, o sa iyong mga karapatan

at pribilehiyo o pagsulong sa Simbahan, ay dapat aminin kaagad

sa obispo na siyang hinirang ng Panginoon bilang pastol sa bawat

kawan at inatasang maging pangkalahatang hukom ng Israel.

Maaaring dinggin niya ang gayong pag-amin nang palihim at suriin

ito nang may katarungan at awa, ayon sa hinihingi ng bawat

pagkakataon. . . . Kasunod ng pag-amin, dapat ipakita ng nagkasala

ang mga bunga ng kanyang pagsisisi sa pamamagitan ng mabuting

gawa na makahihigit sa masasamang gawa. Dapat niyang

gawin ang nararapat na pagsasauli hanggang sa abot ng kanyang

makakaya upang maibalik yaong nawala o ayusin ang pinsalang

kanyang nagawa. Siya na nagsisisi ng kanyang mga kasalanan at

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!