17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

203

KABANATA 18

Tulungan nawa tayo ng Diyos na panatilihing maayos ang

ating mga bahay at ituon ang ating mata sa mga namumuno sa

Simbahang ito at sundin ang kanilang iniuutos, at hindi tayo

maliligaw. 10

Bigyan ninyo ako ng mga tao na “magtatrabahong mabuti”

upang makaiwas sa mga gapos ng pagkakautang, at sama-samang

gagawa sa di-makasariling paglilingkod upang makamtan ang

isang dakilang layunin, at ibibigay ko sa inyo ang mga tao na nakamtan

ang pinakadakilang posibleng kaligtasan sa daigdig ng

mga tao at mga materyal na bagay. 11

Ang mga kapahamakan ay nangyayari sa lahat ng dako. Ang isa

sa pinakamatitinding kapahamakan [isang lindol] ay naganap sa

San Fernando [California] Valley. Naligalig kami sa paglipas ng

mga araw at wala kaming komunikasyon dahil nasira ang mga telepono,

at walang paraan upang makabalita kung ano na ang

nangyayari sa ating mga tao; kaya nakipag-ugnayan kami sa ating

[pinuno ng pagkasaserdote] na nakatira sa labas ng lugar na nayanig

ng lindol at nagtanong kung maaari niya kaming balitaan.

At dumating ang balita, “Ligtas kaming lahat. Ginamit namin ang

imbak na pagkain na aming naitabi. Nakapag-imbak din kami ng

tubig.” Ang dumadaloy na tubig ay di-maaaring inumin, at nabalisa

ang mga tao at nalagay sa panganib dahil sa maruming tubig;

ngunit ang mga taong nakinig ay nakapag-imbak ng tubig gayundin

ng pagkain at iba pang bagay na tumutustos sa kanilang

pangangailangan matapos ang lindol. At bagamat hindi naman

lahat sa kanila ay may pagkain at walang tubig, ang mga nakinig

at naghanda ay hindi natakot, at nagsama-sama sila sa kahangahangang

paraan upang matulungan ang bawat isa. 12

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Sang-ayon sa paliwanag ni Pangulong Lee, ano ang paraan ng

Panginoon sa pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan?

(Tingnan sa D at T 104:14–18.)

• Ano ang ilang mapagkukunan natin na maaari nating ibahagi

sa mga nangangailangan?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!