17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 11

“Kailangang dalisay ang pusong papasok,

Sa bulwagan kung saan ang piging ay idinaraos.

Malayang makibahagi, pagka’t bigay ito ng Diyos

Upang kagalakan sa langit ay malubos.

Dito’y kilalanin Siya na sa libinga’y nagtagumpay,

At sa tao ang susi ng Kaharian ay ibinigay;

Nakalipas at kasalukuyan dito pinagbubuklod ng kapangyarihan

Upang buhay at patay, magkamit ng kadakilaan.”

Nalaman ni Pangulong Joseph F. Smith ang sikreto ng kadakilaang

iyon nang sabihin niyang: “Hindi madali para sa tao ang

iwanan ang kanilang kahambugan, ang paglabanan ang ideyang

pinili nilang paniwalaan, at isuko ang kanilang puso at kaluluwa

sa kagustuhan ng Diyos na palaging mas mataas kaysa sa kanila.

... Kapag natatanto ng kalalakihan at kababaihan na nalalagay

na sila sa panganib, dapat na silang umatras, dahil maaari

silang makatiyak na ang landas na tinahak nila noon ang higit na

maglalayo sa kanila sa tamang landas na hindi palaging madaling

balikan. Ang relihiyon ng puso, ang di-nagbabago at simpleng

pakikipag-ugnayan sa Diyos na dapat nating panatilihin, ang siyang

pinakaligtas na pananggalang ng mga Banal sa mga Huling

Araw.” (Gospel Doctrine, p. 9). . .

Mangyari pa, sa gayong pagninilay-nilay. . ., dama kong nais

kong ibigay ang aking patotoo sa inyo sa pamamagitan ng naging

karanasan ko. Apat na linggo pa lamang ang nakalilipas bandang

madaling-araw ay nabigyan ako ng napakagandang panaginip. Sa

panaginip na iyon ay tila kasama ako ng mga kapatid na tinatagubilinan

ng Pangulo ng Simbahan, at habang may iba pang naroroon,

tila ang lahat ng sinasabi niya’y para lang sa akin. . . .

Napanaginipan ko uli iyon, ngayon—mas malinaw na panaginip

na nakamamangha, dahil ito ang mensahe: “Kung nais mong matutuhang

mahalin ang Diyos, kailangan mong matutuhang mahalin

ang Kanyang mga anak at malugod sa paglilingkod sa

Kanyang mga anak. Walang taong nagmamahal sa Diyos hangga’t

hindi siya nalulugod sa paglilingkod at hangga’t hindi niya minamahal

ang mga anak ng ating Ama sa Langit.”

126

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!