17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 10

mga pinuno. Sa gayo’y sisimulan nating usigin ang mga banal, na

ibig sabihin ay mambabatikos, at sa huli’y lalaban sa Diyos, at magagapi

tayo ng kapangyarihan ng kadiliman kung di tayo magsisisi

at tatalikod sa masamang landas na iyon. [Tingnan sa D at T

121:37–38.]

Ang mga katangian ng katanggap-tanggap na pamumuno ng

pagkasaserdote ay buong ingat ding binigyang kahulugan sa paghahayag

na ito. Ang isang tao ay dapat mamuno sa Simbahan

nang may tiyaga at mahabang pagtitiis, kahinahunan at kaamuan,

at hindi pakunwaring pag-ibig. Kung ang isang tao ay didisiplina

at magagalit nang may kataliman, kailangan niyang gawin ito kapag

pinakikilos ng Espiritu Santo at pagkatapos ay magpapakita

ng dagdag na pagmamahal, dahil baka ituring siyang kaaway ng

kanyang pinagsabihan. [Tingnan sa D at T 121:41–43.] Sa lahat

ng ating katungkulan sa pagkasaserdote dapat ay di natin malimutan

na ang gawain ng simbahan at ng kaharian ng Diyos ay

ang iligtas ang mga kaluluwa, at ang lahat ng pinamumunuan natin

ay mga anak ng ating Ama, at tutulungan Niya tayo sa ating

pagsisikap na iligtas ang bawat isa.

May magandang halimbawa ng kung paano nanaisin ng

Panginoon na mangasiwa tayo sa mga nangangailangan ng ating

tulong. Noong lapitan nina Pedro at Juan, ayon sa nakatala sa aklat

ng Mga Gawa ng mga Apostol, ang isang lalaki na hindi kailanman

nakalakad at nasa pintuan ng templo na namamalimos,

sa halip na bigyan siya ng salapi, sinabi sa kanya ng apostol na si

Pedro, kung natatandaan ninyo, “Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa’t

ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo: Sa pangalan

ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.” (Mga Gawa 3:6.)

Kasunod niyon ang mahalagang pangungusap na naitala ukol

sa pangyayaring iyon. Hinawakan siya ni Pedro sa kanang kamay

at siya’y itinindig. [Tingnan sa Mga Gawa 3:7.] Tandaan na hindi

sapat na inutusan siya ni Pedro na lumakad; pagkatapos niyon ay

hinawakan niya ang kamay ng tao at itinindig ito.

Gayundin naman tayo, sa pakikitungo sa nanghihina nating

mga banal, ay di maging mga nagtataglay ng pagkasaserdote na

bumabatikos, nagagalit, at humahatol lamang. Kailangan nating,

tulad ng apostol na si Pedro, hawakan sila sa kamay, himukin

108

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!