17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

133

KABANATA 12

mortalidad. Ang banal na simbuyo ng damdamin na nasa bawat

tunay na lalaki at babae na nagtutulak sa pakikisama ng lalaki sa

babae at ng babae sa lalaki ay binalak ng ating Manlilikha na maging

banal na simbuyo ng damdamin para sa banal na layunin—

hindi upang bigyang-kasiyahan lamang ang udyok ng katawan o

pagnanasa ng laman sa walang-ingat na pakikipag-ugnayan,

kundi upang ilaan bilang pahiwatig ng tunay na pag-ibig sa banal

na kasal. 6

Maraming ulit ko nang sinabi sa mga bagong mag-asawa sa altar

ng kasal na: Huwag kailanman hayaang mahinto ang magigiliw

na paglalambingan sa inyong buhay may-asawa. Hayaang

maging kasing-sigla ng sikat ng araw ang inyong mga kaisipan.

Gawing makabuluhan ang inyong mga salita at nagbibigay-inspirasyon

at nakapagpapasigla ang inyong pagsasamahan, kung nais

ninyong panatilihing buhay ang diwa ng pagmamahal sa buong

panahon ng inyong pagsasama. 7

Minsan, sa paglalakbay namin sa buong Simbahan, may magasawang

lalapit sa amin at magtatanong, dahil sa di sila magkasundo

sa kanilang pagsasama—sila na nakasal sa templo— kung

makabubuting palayain nila ang isa’t isa at maghanap ng higit na

makakasundong kasama. Sa lahat ng gayon ay sinasabi naming,

sa tuwing sasabihin ng mag-asawa na ikinasal sa templo na nagkakasawaan

na sila, maliwanag na maaaring isa sa kanila o kapwa

sila hindi tapat sa kanilang mga tipan sa templo. Ang sinumang

mag-asawa na ikinasal sa templo na tapat sa kanilang mga tipan

ay higit na mapapamahal sa isa’t isa, at ang pag-ibig ay magkakaroon

ng mas malalim na kahulugan sa ginintuang anibersaryo ng

kanilang kasal kaysa noong araw na ikasal sila sa bahay ng

Panginoon. Huwag kayong magkakamali diyan. 8

Ang mga nagpupunta sa altar ng kasal nang may pag-ibig sa kanilang

puso, maaaring sabihin natin sa kanila na sa katunayan,

kung magiging tapat sila sa mga tipan na ginawa nila sa templo,

limampung taon makalipas ang kanilang kasal ay masasabi nila

sa isa’t isa na: “Maaaring di natin alam kung ano ang tunay na

pag-ibig noong ikasal tayo, dahil higit ang pag-iisip natin sa isa’t

isa sa ngayon!” At gayon ang mangyayari kung susundin nila ang

payo ng kanilang mga pinuno at susundin ang mga banal at sagradong

tagubilin na ibinigay sa seremonya sa templo; magiging

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!