17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 1

dad. Ipinaliwanag ito ng propetang-pinuno ng kontinenteng ito

sa kanyang anak tulad ng nakatala sa sinaunang banal na kasulatan:

na upang maisakatuparan ang mga ito, ang mga walang

hanggang layunin ng Panginoon, kailangang magkaroon ng mga

pagsalungat, panggaganyak ng mabuti sa isang panig at ng masama

sa kabila, o sa wika ng mga banal na kasulatan, “. . .ang ipinagbabawal

na bungang-kahoy na kasalungat ng punungkahoy

ng buhay; ang isa ay matamis at ang isa ay mapait.” Paliwanag pa

ng amang ito, “Anupa’t ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa tao

na siya ay kumilos para sa kanyang sarili. Samakatwid, ang tao ay

hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban kung siya ay nahikayat

ng isa o ng iba.” (2 Ne. 2:15–16.)

Ang ikalawang alituntunin sa banal na planong ito ay kinapalooban

ng pangangailangan sa tagapagligtas na magbabayadsala

kung saan ang lubos na kinalulugdang Anak ng Diyos ang

naging ating Tagapagligtas, tulad ng “Cordero na pinatay buhat

nang itatag ang sanglibutan” (Apoc. 13:8), sang-ayon sa inihayag

kay Juan sa Isla ng Patmos. Ipinaliwanag [ng propetang si Lehi]

na ang misyon ng Anak ng Diyos ay ang “[mamagitan] para sa

lahat ng anak ng tao; at sila na maniniwala sa kanya ay maliligtas.”

(2 Ne. 2:9.)

Marami tayong naririnig mula sa limitadong pang-unawa sa

posibilidad na pagkaligtas ng isang tao sa pamamagitan ng awa

lamang. Ngunit kailangan ang paliwanag ng isa pang propeta

upang maunawaan ang tunay na doktrina ng awa tulad ng paliwanag

niya sa makabuluhang mga salitang ito:

“Sapagkat,” sabi ng propetang ito, “masigasig kaming gumagawa

upang makasulat, upang hikayatin ang ating mga anak, at

ang atin ding mga kapatid, na maniwala kay Cristo, at makipagkasundo

sa Diyos; sapagkat nalalaman naming naligtas tayo sa

pamamagitan ng biyaya, sa kabila ng lahat ng ating magagawa.”

(2 Nephi 25:3.) Tunay na tinubos tayo ng nagbabayad-salang

dugo ng Tagapagligtas ng mundo, ngunit ito’y matapos lamang

magawa ng bawat isa ang lahat ng kanyang magagawa hinggil sa

kanyang sariling kaligtasan.

Ang ikatlong malaking kaibahan ng alituntunin ng plano ng

kaligtasan ay ang pasubaling “ang buong sangkatauhan ay maa-

6

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!