17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 12

Marami akong karanasan, sa halos dalawampung taon, sa pagdalaw

tuwing Sabado’t Linggo sa ilan sa mga pinakamatagumpay

na tahanan ng Simbahan, at sa paghahambing, halos linggolinggo

ay nasusulyapan ko ang ilan sa di-masasayang tahanan.

Mula sa mga karanasang ito ay may naisip akong ilang tiyak na

konklusyon: Una, ang pinakamaliligaya nating tahanan ay iyong

may mga magulang na nakasal sa templo. Ikalawa, ang kasal sa

templo ay lubos na matagumpay kapag ang mag-asawa ay pumasok

sa mga sagradong ordenansa ng templo na malinis at dalisay

ang katawan, isip, at puso. Ikatlo, ang kasal sa templo ay lubos

na sagrado kapag ang bawat isa sa magkatuwang ay naturuang

mabuti sa layunin ng banal na endowment at sa mga obligasyon

ng mag-asawa matapos iyon, bilang pagsunod sa mga tagubiling

natanggap sa templo. Ikaapat, ang magulang mismo na hindi pinahalagahang

mabuti ang kanilang mga tipan sa templo, ay di gaanong

makaaasa sa kanilang mga anak dahil sa kanilang

masamang halimbawa.

Sa panahong ito ay binaluktot na mabuti ng mga moda, pagkukunwari,

at halina ng daigdig ang mga banal na konsepto ng

tahanan at kasal, at maging ang mismong seremonya ng kasal.

Pinagpala ang matalinong ina na nagpipinta ng buhay na larawan

sa isipan ng kanyang anak na babae. Larawan ng sagradong

tagpo sa napakaganda at makalangit na silid ng pagbubuklod

kung saan ang isang maganda at batang magkasintahan ay magkahawak-kamay

sa banal na altar, malayo sa mga makamundong

bagay at kasama ang mga magulang at malalapit na kaibigan ng

pamilya. Salamat sa Diyos sa inang iyon na ipinakikita sa kanyang

anak na babae na dito, ang lugar sa lupa na pinakamalapit sa langit,

ang puso ay nakikipag-ugnayan sa puso. Isang pagsasalo ng

pagmamahalan na nagsisimula sa pagiging isa na kumakalaban

sa malalaking pinsalang dulot ng kahirapan, dalamhati, o kabiguang

gumagapi, at nagbibigay ng pinakamainam na pampasigla

sa pinakamatataas na maaabot sa buhay! 16

Nawa’y ipahintulot ng Diyos na pagpalain ang mga tahanan ng

mga Banal sa mga Huling Araw at dumating sa kanila ang kaligayahan

dito at ang pundasyon para sa kadakilaan sa kahariang selestiyal

sa daigdig na darating. 17

138

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!