17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 6

muhay tayo nang gayon, gagabayan tayo ng Panginoon para sa

ating kaligtasan at sa ating kapakinabangan.

Bilang isa sa mga pinakahamak sa inyo, at gumaganap sa tungkuling

ginagawa ko, nais kong ibahagi sa inyo ang aking hamak

na patotoo na natanggap ko sa pamamagitan ng tinig at ng kapangyarihan

ng paghahayag ang kaalaman at pang-unawa hinggil

sa Diyos. ...

Taimtim kong pinatototohanan sa inyo na ang Simbahan ngayon

ay ginagabayan sa pamamagitan ng paghahayag. Bawat kaluluwa

na naririto na nabiyayaang makatanggap ng Espiritu Santo

ay may kapangyarihang tumanggap ng paghahayag. Nawa’y tulungan

kayo at ako ng Diyos na lagi sanang mamuhay upang masagot

ng Panginoon ang mga panalangin ng matatapat sa

pamamagitan natin. 3

Paano tayo mananalangin sa ating Ama sa Langit

upang magabayan Niya tayo?

Malaki ang kaibahan ng pag-usal ng panalangin at pakikipagusap

sa Diyos. May ilan akong narinig na nanalangin na talagang

nakipag-usap sa Diyos, isa na rito ang yumaong si [Elder]

Charles A. Callis. Hindi ko siya naririnig na nananalangin sa banal

na mga altar ng templo, hindi ko siya naririnig kapag lumuluhod

kaming magkasabay sa panalangin noong kami ay nasa

isang mahirap na misyon subalit siya ay tila, sa kanyang pagsasalita,

nakararating sa daungan ng banal na tahanan ng ating Ama,

at siya ay nakikipag-usap sa mga banal na nilalang. Huwag kayong

umusal lamang ng mga panalangin, huwag kayong magbasa

ng mga panalangin, kundi pag-aralan ninyong

makipag-usap sa Diyos at ang pakikipag-usap sa Diyos ay ang uri

ng panalangin na sa palagay ko ay tinutukoy ni Moroni noong

isulat niya sa katapusang kabanata sa ating Aklat ni Mormon. . .:

“Ipinapayo ko sa inyo na itanong ninyo sa Diyos, ang Amang

Walang Hanggan, sa pangalan ni Cristo, kung ang mga bagay na

ito ay hindi totoo; at kung kayo ay magtatanong nang may matapat

na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya

kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan

ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.” [Moroni 10:4.]

62

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!