17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

169

KABANATA 15

“Sa mga kapatid na babae, ang ibig sabihin nito’y kailangang

maging trabaho nila ang pagiging ina. Hindi nila dapat hayaan

ang anumang bagay na mangibabaw kaysa sa gawaing ito. 13

Kailan lamang ay nakita ko ang talumpating ibinigay ng isa sa

aking mga anak na babae sa isang grupo ng mga ina at anak na

babae. Ikinuwento niya ang naging karanasan niya sa kanyang

panganay na anak na lalaki na nagsimulang magturo sa kanya ng

mga responsibilidad na kailangan niyang taglayin bilang isang

ina. Sabi niya, “Maraming taon na ang nakalilipas nang maliit pa

ang panganay kong anak na lalaki ay natagpuan ko ang sarili ko

sa kaalinsanganan ng gabi, matapos kumain ng hapunan, na balisa

sa pagsisikap na tapusin ang pagpepreserba ng ilang prutas.”

Tiyak na nakikinita ninyong mga batang ina ang tagpong iyon.

Lahat ng bagay noong araw na iyon ay humadlang sa paggawa

ng proyektong iyon at gusto mo nang tapusin ito. Ngayo’y napatulog

na ang sanggol at nakaalis sa oras ang iyong asawa papunta

sa kanyang pulong, halos tapos na ang mga anak mong

tatlo at apat na taong-gulang sa pagsusuot ng kanilang pajama at

handa na ring matulog. Naisip mong, “Ngayon, aasikasuhin ko

na ang prutas.”

[Patuloy ng anak kong babae:] “Ito ang situwasyon ko noong

gabing iyon habang sinisimulan kong talupan at alisan ng buto

ang prutas, ay nagpunta sa kusina ang dalawa kong anak na lalaki

at nagsabing handa na silang magdasal.” Ngunit dahil ayaw

maabala, sinabi niya kaagad sa kanyang mga anak, “ ‘Halina kayong

dalawa at kayo na lang ang magdasal at itutuloy ni Inay ang

paggawa sa prutas na ito.’ Ang panganay na si David ay tumayo

nang matuwid sa harapan ko at nagtanong, nang malumanay,

‘Pero, Inay, alin po ang pinakamahalaga, ang dasal o ang prutas?’

Hindi ko gaanong nauunawaan noon bilang isang batang ina at

abalang maybahay na sa buhay ko sa hinaharap ay darating ang

gayong mahihirap na kalagayan habang ginagampanan ko ang

tungkulin bilang asawa at ina sa aking tahanan.”

Iyan ang hamon sa inyong mga ina kapag nagpipilit ang inyong

maliliit na anak na mamalagi kayo at tulungan sila sa paglaki. . . .

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!