17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

219

KABANATA 20

banalan ang iyong mga iniisip nang walang humpay; sa gayon

ang iyong pagtitiwala ay lalakas sa harapan ng Diyos; at ang doktrina

ng pagkasaserdote ay magpadadalisay sa iyong kaluluwa

gaya ng hamog mula sa langit.

“Ang Espiritu Santo ang iyong magiging kasama sa tuwina, at

ang iyong setro ay hindi nagbabagong setro ng kabutihan at katotohanan;

at ang iyong pamamahala ay magiging walang hanggang

pamamahala, at sa walang sapilitang pamamaraan ito ay

dadaloy sa iyo magpakailanman at walang katapusan.” (D at T

121:45–46.)

Ngunit hindi kailanman tayo magkakaroon sa mundong ito ng

kapangyarihan, ng lakas, ng pagsama ng Espiritu Santo maliban

na natutuhan nating maging banal sa isip, sa pag-uugali, at sa

ating kilos. 5

Isuot ninyo ang baluti ng kabutihan. Huwag magpatukso sa

sandali ng kahinaan. Pangalagaan ang moog na iyan ng kadalisayan.

Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo, kung pananatilihin

ninyo itong malinis at dalisay. 6

Ipamuhay ang batas ng kalinisang-puri nang higit na perpekto

kaysa ginawa ninyo noon, sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga

dalisay na kaisipan. Tandaan ang sinabi ng Guro, “Narinig ninyong

sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa’t sinasabi

ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae na taglay ang

masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang

puso” (Mateo 5:27–28). Ngayon, kailangang maging dalisay

ang ating mga kaisipan. Paglabanan ang anumang nakaugalian

ninyo na maaaring humantong sa mga imoral na gawa, at iwasan

ang imoralidad na maaaring sumira sa inyong buhay. 7

Anu-ano ang ibubunga ng paglabag sa batas

ng kalinisang-puri?

Hindi kailanman nagkaroon noon ng gayong hamon sa doktrina

ng kabutihan at kadalisayan at kalinisang-puri. Ang mga

pamantayan ng kagandahang-asal ay iginuguho ng mga kapangyarihan

ng kasamaan. Wala nang mas mahalaga pa tayong magagawa

maliban sa ituro nang may kapangyarihan, sa paggabay ng

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!