17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 14

ang masaya at kawili-wiling tahanan.” Mangyari pa, hindi ko ito

sinabi, ngunit nakita ko ang tahanan ng lalaking iyon nang ang

mga batang iyon ay wala pang asawa, na nakapalibot sa mesa.

Nakita ko ang kasakiman, pagtangging magsakripisyo para sa kapakanan

ng bawat isa. Nakita ko ang pag-aagawan, pagsisigawan,

pagmumurahan, pag-aawayan, at pagkakalampagan. Alam ko

kung ano ang ipinakain sa kanila noong bata pa sila. Hindi nakagugulat

na hindi sila nagkaroon ng masasayang tahanan. 4

Ang kaligayahan ay nagmumula sa di-makasariling paglilingkod.

At ang masasayang tahanan ay iyon lamang kung saan may

pagsisikap sa araw-araw na gumawa ng mga sakripisyo para sa

kaligayahan ng bawat isa. 5

Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi isang bagay na nakakamtan

ninyo sa pamamagitan lamang ng paghiling. Si Juan ang nagsabing,

“Kung sinasabi ng sinoman, Ako’y umiibig sa Dios, at napopoot

sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka’t ang hindi

umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig

siya sa Dios na hindi niya nakita?” (1 Juan 4:20.) Hindi

ninyo maaaring ibigin ang Diyos at kapagdaka’y kasuklaman ang

inyong kapatid na palagi ninyong kasama. Ang sinumang lalaki na

nag-aakalang siya’y magaling sa espirituwal samantalang magulo

ang kanyang tahanan dahil sa kapabayaan at kabiguang pangalagaan

ang kanyang maybahay at sarili niyang mga anak, ang lalaking

iyon ay hindi patungo sa pagkakaroon ng pag-ibig sa Diyos. 6

Huwag nating kalimutan ang matalinong payo ni Pablo nang

sabihin niyang “papagtibayin” ang ating pagmamahal sa nakapaligid

sa atin, lalo na sa mga labis ang kalumbayan (tingnan sa II

Corinto 2:7–8). Halos gayundin ang sinabi ni Pedro sa 1 Pedro,

sa unang kabanata, sa paghimok sa mga miyembro na hindi lamang

magpakita ng “pagibig na hindi pakunwari” kundi “mangagibigan

kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa’t isa” (I

Pedro 1:22). Sa kaharian ang ating kakayahang magmahal ay mahalaga

dahil nabubuhay tayo sa panahon kung kailan “ang pagibig

ng tao ay manlalamig” (D at T 45:27). 7

Patatagin ang mga ugnayan ng inyong pamilya at asikasuhin

ang inyong mga anak. . . . Tiyakin na ang tahanan ay gagawing

matatag na lugar kung saan maaaring magpunta ang mga anak

154

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!