17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 9

ang nagtataglay ng mataas at dakila at tanging karapatan na ito.”

[Church News, ika-31 ng Hulyo, 1954, 10.] 7

Ang tanging binigyan ng karapatan na maghatid ng anumang

bagong doktrina ay ang Pangulo ng Simbahan, na, kapag ginawa

niya ang gayon, ay ipapahayag ito bilang paghahayag mula sa

Diyos. Ito ay tatanggaping gayon nga ng Kapulungan ng

Labindalawa at sasang-ayunan ng mga miyembro ng Simbahan. 8

Paano pinipili ang Pangulo ng Simbahan?

Sa mga nagtatanong: Paano pinipili o inihahalal ang Pangulo

ng Simbahan? ang tama at simpleng sagot ay ang pagbanggit sa

ikalimang saligan ng pananampalataya: “Naniniwala kami na ang

tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos, sa pamamagitan ng propesiya,

at ng pagpapatong ng mga kamay ng mga yaong may karapatan,

upang ipangaral ang Ebanghelyo at mangasiwa sa mga

ordenansa niyon.”

Ang umpisa ng tungkulin ng isang magiging Pangulo ng

Simbahan ay nagsisimula kapag siya ay tinawag, inordenan, at itinalaga

na upang maging miyembro ng Korum ng Labindalawang

Apostol. Ang gayong tawag sa pamamagitan ng propesiya, o sa

madaling salita, ng inspirasyon ng Panginoon sa isang nagtataglay

ng mga susi ng panguluhan, at ang kasunod na ordenasyon

at pagtatalaga sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay

ng awtoridad ding yon, ay naglalagay sa bawat Apostol sa korum

ng pagkasaserdote na may labindalawang kalalakihang nagtataglay

ng pagka-apostol.

Ang bawat Apostol na naordenan nang gayon sa ilalim ng kamay

ng Pangulo ng Simbahan, na natataglay ng mga susi ng kaharian

ng Diyos kasama ang lahat ng iba pang inordenang mga

Apostol, ay pinagkalooban ng awtoridad ng pagkasaserdote.

Ito’y kailangan upang mahawakan ang bawat posisyon sa

Simbahan, maging ang posisyon ng panguluhan sa Simbahan

kung tatawagin siya ng namumunong awtoridad at sasangayunan

ng boto ng bumubuong kapulungan ng mga miyembro

ng Simbahan.

. . . Kasunod ng pagkamatay ng isang Pangulo, ang kasunod na

pangkat, ang Korum ng Labindalawang Apostol, ang nagiging na-

96

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!