17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

187

KABANATA 17

hayo]. . .sa lahat ng panig ng mundo, upang sa kanilang dimakasariling

paglilingkod ay makatayo sila bilang mga saksi sa lahat

ng panahon at sa lahat ng lugar tungkol sa banal na responsibilidad

ng Simbahan na ituro ang ebanghelyo. 9

Paano natin maituturo ang ebanghelyo nang

may kapangyarihan at awtoridad?

Si Alma. . .at ang mga anak ni Mosias ay nagmisyon at nakagawa

sila ng dakilang paglilingkod bilang misyonero. . . . Nakita

ni Alma ang kanyang mga kapatid, ang mga anak ni Mosias, na

naglalakbay patungo sa lupain ng Zarahemla.

“Ngayon ang mga anak na ito ni Mosias ay kasama ni Alma sa

panahong unang nagpakita ang anghel sa kanya; kaya nga, si

Alma ay labis na nagalak na makita ang kanyang mga kapatid; at

ang nakaragdag pa sa kanyang kagalakan, sila ay kanya pa ring

mga kapatid sa Panginoon; oo, at sila ay naging malakas sa kaalaman

ng katotohanan; sapagkat sila’y mga lalaking may malinaw

na pang-unawa at sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal

na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos.

“Subalit hindi lamang ito; itinuon nila ang kanilang sarili sa

maraming panalangin, at pag-aayuno; kaya nga taglay nila ang

diwa ng propesiya, at ang diwa ng paghahayag, at kapag sila ay

nagturo, sila ay nagtuturo nang may kapangyarihan at karapatan

ng Diyos.” [Alma 17:2–3.]

Ngayon, [nauunawaan] ba ninyo ang pormula kung paano

kayo makapagtuturo nang may kapangyarihan at awtoridad ng

Diyos? Maging malakas sa kaalaman ng katotohanan, maging kalalakihang

may malinaw na pang-unawa, saliksikin nang masigasig

ang mga banal na kasulatan upang malaman natin ang mga

salita ng Diyos. At hindi lamang ito. Kailangan nating manalangin,

at kailangan nating mag-ayuno, at kailangan nating taglayin

ang diwa ng propesiya; at kapag nagawa na natin ang lahat ng

ito, makapagtuturo na tayo nang may kapangyarihan at awtoridad

ng Diyos. 10

Sinabi. . .ng Panginoon: “At binibigyan ko kayo ng kautusan na

turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian,” at idinagdag

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!