17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

153

KABANATA 14

ban sa ngayon. Ang karamihan sa mga problemang dinaranas ng

mga kabataan sa ngayon ay dahil sa pagkawasak ng mga tahanan.

Kailangang bumaling ang puso ng mga ama sa kanilang mga

anak, at ang mga anak sa kanilang mga ama, kung nais nating

maligtas ang mundo at maihanda ang mga tao sa pagparito ng

Panginoon.” 2

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano tayo makahihikayat ng dagdag na pag-ibig

at kaligayahan sa ating mga tahanan?

Nagkaroon ako ng pagkakataon na palagiang dumalaw, kasama

ang iba pang Pangkalahatang Awtoridad, sa mga tahanan

ng ating mga miyembro, at mula sa mga pagdalaw na ito’y nakapulot

ako ng ilan. . .sa mga sangkap na bumubuo sa katatagan at

kaligayahan sa tahanan. ...

Nakita ko ang mga pamilyang ito na gumagalang sa isa’t isa;

ang ama sa ina, at pagmamahal ng ama sa kanya, at ng ina sa

ama; di nag-aaway, kahit paano’y di nagtatalo sa harapan ng mga

anak, pinag-uusapan ang mga di-pagkakaunawaan—nakakita

ako ng gayong tahanan na may siyam na magagandang anak

kung saan nagpatotoo ang mga anak sa katunayang hindi nila kailanman

narinig na nag-away ang kanilang ama at ina. Ang bunga

nito sa ngayon sa tahanan ng siyam ng mga anak na ito, kasunod

ng panahong ito ng pagtuturo, at mabuting halimbawa ng mga

magulang, ay mayroong siyam pang pamilya na higit na kaibigibig

at matatag at masayang namumuhay nang sama-sama. ...

Ang pananatili ng mga espirituwal na ugnayan, pagkakaroon

ng mga pangmag-anak na panalangin, palagiang pagbibigaypansin

sa mga tungkulin sa Simbahan, lahat ng ito’y ilan sa mga

bagay na nakatulong sa pagtatagumpay ng mga tahanang ito. 3

Isang ama ang lumapit sa akin ilang taon na ang nakalilipas.

Nagdalamhati siya sa katotohanang ang lahat ng miyembro ng

kanyang pamilya—lahat ng kanyang anak—ay may problema sa

kani-kanilang pamilya, ngayong may-asawa na sila. Buong kalungkutang

sinabi niya sa akin, “Ano kaya ang diperensiya ng

aking pamilya at lahat sila’y may problema? Wala ni isa sa kanila

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!