17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 22

aking buhay; kinausap niya ako nang sarilinan at sinabi sa akin,

“Ngayon, may gusto akong sabihin sa iyo. Mas matanda ako

kaysa sa iyo. Tatlumpu’t apat na taon na ang nakalilipas nang tumunog

ang telepono ko sa banko kung saan ako ang pangulo.

Ang mensahe ay malubhang nasugatan ang aking asawa sa isang

aksidente. Kaagad kong nasabi, ‘Hindi hahayaan ng Diyos na

may mangyari sa aking kabiyak—kahanga-hanga siya, lubos na

kaibig-ibig, napakaganda.’ Ngunit sa loob ng isang oras ay dumating

ang balitang patay na siya. At doon sumigaw ang puso ko,

‘Gusto ko nang mamatay; ayaw ko nang mabuhay; gusto kong

marinig ang tinig niya.’ Ngunit hindi ako namatay, at hindi ko narinig

ang tinig niya. At pagkatapos ay naupo ako para mag-isipisip.

Ano ang maaaring ibig sabihin ng gayong kalungkutan at ng

gayong trahedya na sumusubaybay sa landas nating lahat? At dumating

sa akin ang kaisipan na ito ang pinakamatinding pagsubok

na kailangang harapin sa buhay ng tao. At kung

malalampasan mo ito, wala nang iba pang pagsubok na hindi mo

malalampasan.”

Kahit paano, habang nakasakay ako sa eroplano at pauwi na

nang gabing iyon, mayroong kapayapaan, at sa unang pagkakataon

nagsimula kong iwanan ang mga anino ng nakaraan. At dumating

sa akin ang sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa Guro.

“Bagama’t siya’y Anak” ibig sabihin ang Anak ng Diyos—gayon

may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang

tiniis; at nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa

ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa

kaniya” (Mga Hebreo 5:8–9). Ngayon, kung iisipin ninyo iyan, na

sa pamamagitan ng nagpapadalisay na proseso ng paghihiwalay,

ng kalungkutan, ng kasawiang-palad, inaakala kong darating ang

dapat mangyari bago tayo maging handa sa pagharap sa ilan pa

sa ibang pagsubok ng buhay. 19

Tinawag tayo sa mahihirap na gawain sa mahirap na panahon,

ngunit para sa bawat isa sa atin ito’y maaaring panahon ng maraming

karanasan, ng pagkatuto sa maraming bagay, ng malaking

kasiyahan ng kalooban. Dahil ang maraming hamon na

dulot ng digmaan, urbanisasyon, halu-halong doktrina, at pagkasira

ng tahanan ay tiyak na nagbibigay sa atin ng makabagong

katumbas ng pagtawid sa kapatagan, pagtitiis sa di-pagkakauna-

250

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!