17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

157

KABANATA 14

Maaaring disiplinahin ng isang ama ang kanyang anak, ngunit

di niya dapat gawin ito nang may galit. Dapat siyang magpakita

ng ibayong pagmamahal pagkatapos niyon, at baka ituring siyang

kaaway ng taong kanyang pinagalitan (tingnan sa D at T 121:43).

Huwag nawang itulot ng Panginoon na madama ng isang bata na

kaaway niya ang kanyang ama o ina. 13

Mga magulang, tandaan na ngayon ang inyong pagkakataon;

maaaring makadama kayo ng pagkayamot sa araw-araw ninyong

pakikitungo sa isang anak na matigas ang ulo, subalit kayo’y

nasa pinakamaligaya at ginintuang mga taon ng inyong

buhay. Habang pinatutulog ninyo sila sa gabi, maging mabait

sana kayo sa kanila. Hayaang marinig nila ang magiliw na tinig

sa kabila ng lahat ng galit at mga nakaririmarim na boses na maririnig

nila habambuhay. Hayaang magkaroon sila ng kanlungan

kung saan maaaring bumaling ang mga musmos na ito

kapag nabigo na ang lahat. Tulungan nawa kayo ng Panginoon

na gawin ang gayon. 14

May isang doktor na lumapit sa akin. Siya’y siruhano sa

utak. ... Binigyan niya ng paragos (sled) ang [kanyang] munting

anak bilang regalo sa Pasko ngunit wala namang niyebe.

Ang unang bagsak ng niyebe ay dumating mga tatlumpung

araw makaraan ang Pasko nang taong iyon. Sabi [ng doktor],

habang nagmamadali siya patungong ospital, “Pag-uwi ko’y

magpapadausdos tayo sa niyebe,” at sumagot ang batang lalaki,

“Hindi totoo ‘yan Itay, wala ka namang panahon sa akin.”

Buong umaga siyang binagabag ng salitang ito ng anak dahil,

totoo namang marami siyang oras na ginugol sa kanyang propesyon

kaya’t wala siyang panahon na dapat sana’y iukol niya

sa kanyang maliliit na anak. Kaya ang maligalig niyang tanong

ay, “Maaari mo bang sabihin sa akin sandali kung paano ko mababalanse

ang aking buhay? Sa mabilis na pagsulong ngayon ng

pag-oopera sa utak, malilimutan ko ang sarili ko at wala nang

maiisip kundi ang basahin ang lahat ng bagong impormasyon

tungkol sa aking propesyon.” Habang nag-uusap kami, nasabi

namin na may responsibilidad ang tao sa kanyang sarili, may

responsibilidad siya sa kanyang pamilya, may responsibilidad

siya sa Simbahan, at may responsibilidad siya sa kanyang propesyon;

at upang maging balanse ang kanyang buhay kailangan

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!