17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 3

matayan ay maibangon siya sa buhay na walang hanggan [tingnan

sa D at T 29:41–43]. . . . Nang mapalayas si Adan sa

Halamanan ng Eden, dumanas siya ng espirituwal na kamatayan,

na pagkawalay sa malapit na kaugnayan sa kinaroroonan ng

Panginoon. 4

Bakit ipinadala ang Tagapagligtas sa sanlibutan? Sinagot

mismo ng Panginoon ang tanong na iyon noong Kanyang ministeryo

nang sabihin niyang: “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang

Anak sa sanlibutan upang hatulan ng sanlibutan; kundi upang

ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya” [Juan 3:17]. . . .

Maligtas mula sa ano? Matubos mula sa ano? Una, maligtas

mula sa kamatayang mortal sa pamamagitan ng pagkabuhay na

mag-uli mula sa kamatayan. Ngunit sa isang banda nailigtas din

tayo ng kanyang nakapagbabayad-salang sakripisyo. Naligtas tayo

mula sa kasalanan. 5

Sa Banal sa mga Huling Araw, ang kaligtasan ay nangangahulugan

ng paglaya mula sa pagkaalipin at mga bunga ng kasalanan

dahil sa banal na kalayaan, kaligtasan mula sa kasalanan at walang

hanggang kaparusahan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala

ni Jesucristo.

Sa palagay ko wala ng iba pang lugar kung saan magkakaroon

tayo ng mas mainam na talakayan ng plano ng Pagbabayad-sala

maliban sa isinulat ni Jacob, tulad ng matatagpuan sa Aklat ni

Mormon, 2 Nephi, ika-9 na kabanata. Dahil dito tinatawagan ko

ang inyong pansin at hinihimok kayong paulit-ulit na basahing

mabuti ang napakahalagang paliwanag na iyon:. . .

“O ang kadakilaan ng awa ng ating Diyos, ang Banal ng

Israel! Sapagkat iniligtas niya ang kanyang mga banal mula sa

kakila-kilabot na halimaw, ang diyablo, at kamatayan, at impiyerno,

at doon sa lawa ng apoy at asupre, na walang katapusang

pagdurusa.

“O kay dakila ng kabanalan ng ating Diyos! Sapagkat nalalaman

niya ang lahat ng bagay, at walang anumang bagay na hindi

niya alam.

“At siya ay paparito sa sanlibutan upang mailigtas ang lahat ng

tao kung sila ay makikinig sa kanyang tinig; sapagkat masdan,

26

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!