17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

199

KABANATA 18

bahan ay makatayong malaya sa ibabaw ng lahat ng iba pang mga

nilalang sa ilalim ng selestiyal na daigdig.’ ” (D at T 78:14.)

. . .[Binanggit din Niya] mula sa ikasandaan at labinlimang bahagi

ng Doktrina at mga Tipan: “Katotohanang sinasabi ko sa inyong

lahat: Bumangon at magliwanag, nang ang inyong liwanag

ay maging isang sagisag sa mga bansa,” [at itinuro niya na] ito

ang araw ng pagpapamalas ng kapangyarihan ng Panginoon sa

kapakinabangan ng kanyang mga tao. [D at T 115:5.] At muli sa

pagbanggit sa ikasandaan at apat na bahagi:

“Samakatwid, kung sinuman ang kukuha sa kasaganaan na

aking ginawa, at hindi nagkakaloob ng kanyang bahagi, alinsunod

sa batas ng aking ebanghelyo, sa mga maralita at nangangailangan,

siya, kasama ng masasama, ay magtataas ng kanyang

mga mata sa impiyerno, dahil sa paghihirap.” [D at T 104:18.]

Binasa ko sa inyo ngayon ang mga pagbanggit na ito upang

ipaaalala sa inyo ang mga batong pundasyon kung saan itinatag

ang gawaing pangkapakanan ng Simbahan. 5

Ano ang maaaring gamiting mapagkukunan upang malutas

ang problemang pangkapakanan ng indibiduwal?

Anu-ano ang mapagkukunan ng Simbahan, o maaari ninyong

tawagin ang mga ito na ari-arian, upang malutas ang problemang

pangkapakanan ng indibiduwal? Paano ninyo sisimulang lutasin

ito? Halimbawang itanong ko ito sa inyo ngayon. Halimbawa

ngayong gabi’y may natanggap na tawag ang isang ama ng isang

pamilya samantalang nasa trabaho siya, hatid ang masamang balita

na ang kanyang maliit na anak na lalaki ay nabundol ng isang

kotse at isinugod sa ospital, at masama ang kalagayan. Napakaliit

lamang ng kinikita ng pamilyang ito, halos sapat lamang upang

tustusan ang pamilya sa pagkain at mga pangangailangan.

Ngayo’y biglang naharap ang pamilya sa bayarin sa doktor at sa

ospital—paano kaya ninyo lulutasin ito?

Natatakot ako na baka kung itatanong ko iyan sa inyo at ipasasagot

ito sa inyo ngayon, karamihan sa inyo’y magsasabing:

“Mangyari pa, gagamitin namin ang pondo ng handog mula sa

ayuno.” At hindi iyan ang paraan ng pagsisimula ng Programang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!