17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 12

“Ngunit ang higit na mahalaga pa kaysa ‘pantay na pamatok’

sa mga pisikal na bagay ay ang pantay na pamatok ninyo sa mga

espirituwal na bagay. ... Tiyak na ang alinmang tahanan at pamilya

na binuo sa layuning itatag ito maging sa kawalang-hanggan

at kung saan mainit ang pagtanggap sa mga bata bilang

‘mana na mula sa Panginoon’ [tingnan sa Mga Awit 127:3] ay

may mas malaking pagkakataon na maligtas dahil sa kabanalan

na bumubuo sa tahanan at pamilyang iyon.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Bakit mahalaga sa ating kadakilaan ang

kasal na walang hanggan?

Tingnan natin ang unang kasal na isinagawa matapos mabuo

ang mundo. Si Adan, ang unang tao, ay nilikha at gayundin ang

mga hayop at ibon at bawat nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng

lupa. Sa gayon ay makikita natin na nakatala ito: “At sinabi ng

Panginoong Diyos, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y

ilalalang ko ng isang katulong niya.” Matapos hubugin ng

Panginoon si Eva, “ito’y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake,

Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y

tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha. Kaya’t iiwan

ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan

sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” (Genesis

2:18, 22–24.). . . Sa pagtatapos ng kasalang iyon inutusan sila ng

Panginoon na “magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo

ang lupa, at inyong supilin.” (Genesis 1:28.)

Narito ang isang kasal na isinagawa ng Panginoon sa pagitan

ng dalawang nilalang na walang-kamatayan, sapagkat noong

wala pa ang kasalanan sa mundo ang kanilang mga katawan ay

hindi nakapasailalim sa kamatayan. Ginawa niya silang isa, hindi

lamang sa panahong ito, ni sa alinmang may-hangganang panahon;

magiging isa sila sa mga panahon ng walang hanggan. . . .

Ang kamatayan sa kanila ay hindi diborsiyo; pansamantalang

paghihiwalay lamang ito. Ang pagkabuhay na mag-uli tungo sa

kawalang-kamatayan ay nangangahulugan sa kanila ng muling

pagsasama at walang hanggang buklod na di na kailanman makakalas.

“Sapagkat kung paanong kay Adam ang lahat ay nanga-

130

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!