17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 17

paglabanan ang masama. Dininig ng Diyos ang dalangin ko at binigyan

ako ng lakas. Nang matapos ang pagsasanay at palapit na

kami sa digmaan, narinig namin ang tunog ng mga baril na nagbabadya

ng mensahe ng kamatayan na palaging dumarating.

Natakot ako, at nanginig ang buong katawan ko. Dumalangin

ako sa Diyos na bigyan ako ng tapang, at binigyan niya ako ng tapang,

at nagkaroon ako ng kapayapaan na hindi ko kailanman

naramdaman noon. ... Naatasan akong maglingkod bilang advance

scout na ang ibig sabihi’y mauuna ako sa puwersa ng mga

mandirigma at minsa’y halos napaliligiran ng kalaban. Alam ko

noon na isa lamang ang kapangyarihan sa mundo na makapagliligtas

sa akin, at dumalangin ako sa kapangyarihang iyon na pangalagaan

ako, na iligtas ang buhay ko, at dininig ng Diyos ang

aking dalangin at ibinalik ako sa aking pulutong.”

Pagkatapos ay sinabi niya sa akin: “Brother Lee, nasa akin ang

lahat ng bagay na dapat kong pasalamatan. Sapat na marahil

ang kaunting magagawa ko upang humayo ngayon bilang kinatawan

ni Jesucristo, upang ituro sa sangkatauhan ang mga pinagpalang

bagay na ito na natanggap ko sa aking tahanan

noong bata pa ako.”

Nang marinig ko ang pagpapamalas ng pananampalataya mula

sa binatang iyon, inihambing ko ito sa mga naringgan kong nagsabing

inaakala nila na sa pagpunta sa misyon ay magkakaroon

sila ng kasanayan, makikita nila ang daigdig, magkakaroon sila

ng mahalagang karanasan na magiging kapaki-pakinabang sa kanila

mismo. ...

Ang makasariling paghahangad ng personal na kapakinabangan

ay hindi dumarating mula sa mga turo ng katotohanan

kundi sa halip ay nagmumula ito sa mga turo niya na kaaway ng

katotohanan. ...

Ang taong naghahangad ng pansariling kapakinabangan ay

hindi kailanman magiging masaya, dahil laging umiiwas sa kanya

ang hinahangad niya sa buhay at palaging kukutyain ang kanyang

mga pagtatangkang magkamit at makagapi. Ang taong naglilingkod

nang walang kasakiman ay ang taong maligaya. 8

Nasasaksihan natin sa gawaing misyonero ang kahangahangang

tanawin ng mga kabataang lalaki at babae [na huma-

186

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!